Surah Al-Maeda Ayahs #87 Translated in Filipino
وَإِذَا سَمِعُوا مَا أُنْزِلَ إِلَى الرَّسُولِ تَرَىٰ أَعْيُنَهُمْ تَفِيضُ مِنَ الدَّمْعِ مِمَّا عَرَفُوا مِنَ الْحَقِّ ۖ يَقُولُونَ رَبَّنَا آمَنَّا فَاكْتُبْنَا مَعَ الشَّاهِدِينَ
At kung sila (na tumatawag sa kanilang sarili na mga Kristiyano) ay nakikinig sa mga ipinanaog (na kapahayagan) sa Tagapagbalita (Muhammad), mapagmamalas mo ang kanilang mga mata na binabalungan ng luha dahilan sa katotohanan na kanilang napagkilala. Sila ay nagsasabi: “Aming Panginoon! Kami ay nananampalataya, kaya’t kami ay Inyong itala sa karamihan ng mga saksi.”
وَمَا لَنَا لَا نُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَمَا جَاءَنَا مِنَ الْحَقِّ وَنَطْمَعُ أَنْ يُدْخِلَنَا رَبُّنَا مَعَ الْقَوْمِ الصَّالِحِينَ
At bakit baga kami ay hindi mananampalataya kay Allah at sa anumang bagay na dumatal sa amin sa katotohanan (ang pagiging Tanging Isa ni Allah, at sa Islam)? At aming ninanais na ang aming Panginoon ay tatanggap sa amin (sa Paraiso sa Araw ng Muling Pagkabuhay) na kasama ang mga matutuwid na tao (si Propeta Muhammad at ang kanyang mga Kasamahan)
فَأَثَابَهُمُ اللَّهُ بِمَا قَالُوا جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ وَذَٰلِكَ جَزَاءُ الْمُحْسِنِينَ
Kaya’t sila ay ginantimpalaan ni Allah ng Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), sila ay mananahan dito magpakailanman dahilan sa kanilang sinabi. Ito ang gantimpala sa mga gumagawa ng kabutihan
وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ
Datapuwa’t ang mga hindi sumampalataya at nagpabulaan sa Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, mga talata, atbp.), sila ang maninirahan sa Apoy (ng Impiyerno)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تُحَرِّمُوا طَيِّبَاتِ مَا أَحَلَّ اللَّهُ لَكُمْ وَلَا تَعْتَدُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْمُعْتَدِينَ
O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong ipagbawal ang Tayyibat (ang lahat ng mga bagay na mabuti hinggil sa pagkain, gawain, pananalig, mga tao, atbp.) na ginawa ni Allah na pinahihintulutan sa inyo, at huwag kayong magsilabag. Katotohanang si Allah ay hindi nalulugod sa mga lumalabag
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
