Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #86 Translated in Filipino

لَتَجِدَنَّ أَشَدَّ النَّاسِ عَدَاوَةً لِلَّذِينَ آمَنُوا الْيَهُودَ وَالَّذِينَ أَشْرَكُوا ۖ وَلَتَجِدَنَّ أَقْرَبَهُمْ مَوَدَّةً لِلَّذِينَ آمَنُوا الَّذِينَ قَالُوا إِنَّا نَصَارَىٰ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّ مِنْهُمْ قِسِّيسِينَ وَرُهْبَانًا وَأَنَّهُمْ لَا يَسْتَكْبِرُونَ
Katotohanan, inyong matatagpuan sa lipon ng mga tao na may pinakamatinding pagkapoot sa mga sumasampalataya (mga Muslim) ay ang mga Hudyo at pagano, at inyong matatagpuan na ang may pinakamalapit na pagmamahal sa mga sumasampalataya (mga Muslim) ay sila na nagsasabi: “Kami ay mga Kristiyano.” Ito’y sa dahilang sa karamihan nila ay may mga pari at monako, at sila ay hindi mga palalo
وَإِذَا سَمِعُوا مَا أُنْزِلَ إِلَى الرَّسُولِ تَرَىٰ أَعْيُنَهُمْ تَفِيضُ مِنَ الدَّمْعِ مِمَّا عَرَفُوا مِنَ الْحَقِّ ۖ يَقُولُونَ رَبَّنَا آمَنَّا فَاكْتُبْنَا مَعَ الشَّاهِدِينَ
At kung sila (na tumatawag sa kanilang sarili na mga Kristiyano) ay nakikinig sa mga ipinanaog (na kapahayagan) sa Tagapagbalita (Muhammad), mapagmamalas mo ang kanilang mga mata na binabalungan ng luha dahilan sa katotohanan na kanilang napagkilala. Sila ay nagsasabi: “Aming Panginoon! Kami ay nananampalataya, kaya’t kami ay Inyong itala sa karamihan ng mga saksi.”
وَمَا لَنَا لَا نُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَمَا جَاءَنَا مِنَ الْحَقِّ وَنَطْمَعُ أَنْ يُدْخِلَنَا رَبُّنَا مَعَ الْقَوْمِ الصَّالِحِينَ
At bakit baga kami ay hindi mananampalataya kay Allah at sa anumang bagay na dumatal sa amin sa katotohanan (ang pagiging Tanging Isa ni Allah, at sa Islam)? At aming ninanais na ang aming Panginoon ay tatanggap sa amin (sa Paraiso sa Araw ng Muling Pagkabuhay) na kasama ang mga matutuwid na tao (si Propeta Muhammad at ang kanyang mga Kasamahan)
فَأَثَابَهُمُ اللَّهُ بِمَا قَالُوا جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ وَذَٰلِكَ جَزَاءُ الْمُحْسِنِينَ
Kaya’t sila ay ginantimpalaan ni Allah ng Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), sila ay mananahan dito magpakailanman dahilan sa kanilang sinabi. Ito ang gantimpala sa mga gumagawa ng kabutihan
وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ
Datapuwa’t ang mga hindi sumampalataya at nagpabulaan sa Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, mga talata, atbp.), sila ang maninirahan sa Apoy (ng Impiyerno)

Choose other languages: