Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #69 Translated in Filipino

إِنَّ عِبَادِي لَيْسَ لَكَ عَلَيْهِمْ سُلْطَانٌ ۚ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ وَكِيلًا
Katotohanan, sa Aking alipin (alalaong baga, ang tunay na nananampalataya sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), ikaw (Satanas) ay walang kapamahalaan sa kanila, at sapat na ang iyong Panginoon bilang isang Tagapangalaga
رَبُّكُمُ الَّذِي يُزْجِي لَكُمُ الْفُلْكَ فِي الْبَحْرِ لِتَبْتَغُوا مِنْ فَضْلِهِ ۚ إِنَّهُ كَانَ بِكُمْ رَحِيمًا
Ang inyong Panginoon ang Siyang nagtutulak sa barko para sa inyo sa kahabaan ng dagat upang kayo ay magsihanap ng Kanyang kasaganaan. Katotohanang Siya ay Lagi nang Maawain sa inyo
وَإِذَا مَسَّكُمُ الضُّرُّ فِي الْبَحْرِ ضَلَّ مَنْ تَدْعُونَ إِلَّا إِيَّاهُ ۖ فَلَمَّا نَجَّاكُمْ إِلَى الْبَرِّ أَعْرَضْتُمْ ۚ وَكَانَ الْإِنْسَانُ كَفُورًا
At kung ang kasahulan ay sumapit sa inyo habang kayo ay nasa dagat, yaong inyong mga pinananalanginan maliban pa sa Kanya ay naglalaho sa inyo maliban sa Kanya (si Allah lamang). Datapuwa’t nang Kanyang idaong na kayo ng ligtas sa kalupaan, kayo ay nagsisitalikod (sa Kanya). At ang tao ay lagi nang walang utang na loob ng pasasalamat
أَفَأَمِنْتُمْ أَنْ يَخْسِفَ بِكُمْ جَانِبَ الْبَرِّ أَوْ يُرْسِلَ عَلَيْكُمْ حَاصِبًا ثُمَّ لَا تَجِدُوا لَكُمْ وَكِيلًا
Kayo ba ay nakadarama ng kapanatagan, na hindi Niya hahayaan, na ang isang bahagi ng kalupaan ay lumagom sa inyo, o kaya, Siya ay hindi magpapadala laban sa inyo ng isang marahas na bagyo (ng buhangin)? Kung gayon, kayo ay hindi makakatagpo ng wakil (tagapagtangkilik, isang mangangalaga sa inyo sa Kaparusahan)
أَمْ أَمِنْتُمْ أَنْ يُعِيدَكُمْ فِيهِ تَارَةً أُخْرَىٰ فَيُرْسِلَ عَلَيْكُمْ قَاصِفًا مِنَ الرِّيحِ فَيُغْرِقَكُمْ بِمَا كَفَرْتُمْ ۙ ثُمَّ لَا تَجِدُوا لَكُمْ عَلَيْنَا بِهِ تَبِيعًا
o kayo ba ay nakadarama ng kapanatagan, na kayo ay hindi Niya muling ibabalik sa dagat sa pangalawang pagkakataon, at magpaparating laban sa inyo ng isang ipu-ipo at Kanyang lulunurin kayo dahilan sa inyong kawalan ng pananalig, kung magkagayon, kayo ay hindi makakatagpo ng sinumang gaganti para sa inyo laban sa Amin

Choose other languages: