Surah Al-Isra Ayahs #70 Translated in Filipino
رَبُّكُمُ الَّذِي يُزْجِي لَكُمُ الْفُلْكَ فِي الْبَحْرِ لِتَبْتَغُوا مِنْ فَضْلِهِ ۚ إِنَّهُ كَانَ بِكُمْ رَحِيمًا
Ang inyong Panginoon ang Siyang nagtutulak sa barko para sa inyo sa kahabaan ng dagat upang kayo ay magsihanap ng Kanyang kasaganaan. Katotohanang Siya ay Lagi nang Maawain sa inyo
وَإِذَا مَسَّكُمُ الضُّرُّ فِي الْبَحْرِ ضَلَّ مَنْ تَدْعُونَ إِلَّا إِيَّاهُ ۖ فَلَمَّا نَجَّاكُمْ إِلَى الْبَرِّ أَعْرَضْتُمْ ۚ وَكَانَ الْإِنْسَانُ كَفُورًا
At kung ang kasahulan ay sumapit sa inyo habang kayo ay nasa dagat, yaong inyong mga pinananalanginan maliban pa sa Kanya ay naglalaho sa inyo maliban sa Kanya (si Allah lamang). Datapuwa’t nang Kanyang idaong na kayo ng ligtas sa kalupaan, kayo ay nagsisitalikod (sa Kanya). At ang tao ay lagi nang walang utang na loob ng pasasalamat
أَفَأَمِنْتُمْ أَنْ يَخْسِفَ بِكُمْ جَانِبَ الْبَرِّ أَوْ يُرْسِلَ عَلَيْكُمْ حَاصِبًا ثُمَّ لَا تَجِدُوا لَكُمْ وَكِيلًا
Kayo ba ay nakadarama ng kapanatagan, na hindi Niya hahayaan, na ang isang bahagi ng kalupaan ay lumagom sa inyo, o kaya, Siya ay hindi magpapadala laban sa inyo ng isang marahas na bagyo (ng buhangin)? Kung gayon, kayo ay hindi makakatagpo ng wakil (tagapagtangkilik, isang mangangalaga sa inyo sa Kaparusahan)
أَمْ أَمِنْتُمْ أَنْ يُعِيدَكُمْ فِيهِ تَارَةً أُخْرَىٰ فَيُرْسِلَ عَلَيْكُمْ قَاصِفًا مِنَ الرِّيحِ فَيُغْرِقَكُمْ بِمَا كَفَرْتُمْ ۙ ثُمَّ لَا تَجِدُوا لَكُمْ عَلَيْنَا بِهِ تَبِيعًا
o kayo ba ay nakadarama ng kapanatagan, na kayo ay hindi Niya muling ibabalik sa dagat sa pangalawang pagkakataon, at magpaparating laban sa inyo ng isang ipu-ipo at Kanyang lulunurin kayo dahilan sa inyong kawalan ng pananalig, kung magkagayon, kayo ay hindi makakatagpo ng sinumang gaganti para sa inyo laban sa Amin
وَلَقَدْ كَرَّمْنَا بَنِي آدَمَ وَحَمَلْنَاهُمْ فِي الْبَرِّ وَالْبَحْرِ وَرَزَقْنَاهُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ وَفَضَّلْنَاهُمْ عَلَىٰ كَثِيرٍ مِمَّنْ خَلَقْنَا تَفْضِيلًا
At katotohanang Aming pinapurihan ang mga anak ni Adan, at Aming isinakay sila sa kalupaan at karagatan, at Aming ginawaran sila ng At-Tayyibat (mga pinahihintulutan at mabubuting bagay), at Aming itinampok sila ng higit sa maraming nilalang na Aming nilikha na may tatak ng pagkalugod
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
