Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #73 Translated in Filipino

أَمْ أَمِنْتُمْ أَنْ يُعِيدَكُمْ فِيهِ تَارَةً أُخْرَىٰ فَيُرْسِلَ عَلَيْكُمْ قَاصِفًا مِنَ الرِّيحِ فَيُغْرِقَكُمْ بِمَا كَفَرْتُمْ ۙ ثُمَّ لَا تَجِدُوا لَكُمْ عَلَيْنَا بِهِ تَبِيعًا
o kayo ba ay nakadarama ng kapanatagan, na kayo ay hindi Niya muling ibabalik sa dagat sa pangalawang pagkakataon, at magpaparating laban sa inyo ng isang ipu-ipo at Kanyang lulunurin kayo dahilan sa inyong kawalan ng pananalig, kung magkagayon, kayo ay hindi makakatagpo ng sinumang gaganti para sa inyo laban sa Amin
وَلَقَدْ كَرَّمْنَا بَنِي آدَمَ وَحَمَلْنَاهُمْ فِي الْبَرِّ وَالْبَحْرِ وَرَزَقْنَاهُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ وَفَضَّلْنَاهُمْ عَلَىٰ كَثِيرٍ مِمَّنْ خَلَقْنَا تَفْضِيلًا
At katotohanang Aming pinapurihan ang mga anak ni Adan, at Aming isinakay sila sa kalupaan at karagatan, at Aming ginawaran sila ng At-Tayyibat (mga pinahihintulutan at mabubuting bagay), at Aming itinampok sila ng higit sa maraming nilalang na Aming nilikha na may tatak ng pagkalugod
يَوْمَ نَدْعُو كُلَّ أُنَاسٍ بِإِمَامِهِمْ ۖ فَمَنْ أُوتِيَ كِتَابَهُ بِيَمِينِهِ فَأُولَٰئِكَ يَقْرَءُونَ كِتَابَهُمْ وَلَا يُظْلَمُونَ فَتِيلًا
(At alalahanin) ang Araw na Aming tatawagin nang sama-sama ang lahat ng mga tao na kasama ang kanilang (itinalagang) Imam (ang kanilang mga Propeta, o ang talaan ng kanilang mabubuti at masasamang gawa, o ang kanilang mga Banal na Aklat katulad ng Qur’an, ang Torah [mga Batas], ang Ebanghelyo, atbp.). Kaya’t kung sinuman ang binigyan ng kanyang talaan sa kanyang kanang kamay, siya nga ang babasa sa kanyang talaan, at sila ay hindi pakikitunguhan kahit na katiting ng kawalang katarungan
وَمَنْ كَانَ فِي هَٰذِهِ أَعْمَىٰ فَهُوَ فِي الْآخِرَةِ أَعْمَىٰ وَأَضَلُّ سَبِيلًا
At kung sinuman ang bulag sa mundong ito (alalaong baga, hindi nakakakita ng mga Tanda ni Allah at hindi sumasampalataya sa Kanya) ay magiging bulag sa Kabilang Buhay, at higit na malayo ang pagkaligaw sa Landas
وَإِنْ كَادُوا لَيَفْتِنُونَكَ عَنِ الَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ لِتَفْتَرِيَ عَلَيْنَا غَيْرَهُ ۖ وَإِذًا لَاتَّخَذُوكَ خَلِيلًا
Katotohanang sila ay malapit nang makatukso sa iyo (O Muhammad), upang ikaw ay mapalayo sa Aming ipinahayag (ang Qur’an), at gumawa ng bagay ng kabulaanan na iba rito (sa nasasaad sa Qur’an) laban sa Amin, kung magkagayon, katiyakang ikaw ay kanilang kukunin bilang isang kaibigan

Choose other languages: