Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #76 Translated in Filipino

وَمَنْ كَانَ فِي هَٰذِهِ أَعْمَىٰ فَهُوَ فِي الْآخِرَةِ أَعْمَىٰ وَأَضَلُّ سَبِيلًا
At kung sinuman ang bulag sa mundong ito (alalaong baga, hindi nakakakita ng mga Tanda ni Allah at hindi sumasampalataya sa Kanya) ay magiging bulag sa Kabilang Buhay, at higit na malayo ang pagkaligaw sa Landas
وَإِنْ كَادُوا لَيَفْتِنُونَكَ عَنِ الَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ لِتَفْتَرِيَ عَلَيْنَا غَيْرَهُ ۖ وَإِذًا لَاتَّخَذُوكَ خَلِيلًا
Katotohanang sila ay malapit nang makatukso sa iyo (O Muhammad), upang ikaw ay mapalayo sa Aming ipinahayag (ang Qur’an), at gumawa ng bagay ng kabulaanan na iba rito (sa nasasaad sa Qur’an) laban sa Amin, kung magkagayon, katiyakang ikaw ay kanilang kukunin bilang isang kaibigan
وَلَوْلَا أَنْ ثَبَّتْنَاكَ لَقَدْ كِدْتَ تَرْكَنُ إِلَيْهِمْ شَيْئًا قَلِيلًا
At kung ikaw ay hindi Namin ginawa na maging matatag sa pagkakatindig, hindi na magtatagal, ikaw ay malapit nang mahikayat sa kanila
إِذًا لَأَذَقْنَاكَ ضِعْفَ الْحَيَاةِ وَضِعْفَ الْمَمَاتِ ثُمَّ لَا تَجِدُ لَكَ عَلَيْنَا نَصِيرًا
Kung magkagayon, magagawa Namin na iyong lasapin ang dalawang bahagi (ng kaparusahan) sa buhay na ito, at ng dalawang ulit (na kaparusahan), pagkaraan ng (iyong) kamatayan. Sa gayon, ikaw ay hindi makakatagpo ng sinuman upang makatulong sa iyo laban sa Amin
وَإِنْ كَادُوا لَيَسْتَفِزُّونَكَ مِنَ الْأَرْضِ لِيُخْرِجُوكَ مِنْهَا ۖ وَإِذًا لَا يَلْبَثُونَ خِلَافَكَ إِلَّا قَلِيلًا
At katotohanang sila ay malapit nang makapagbigay sa iyo ng matinding takot, hanggang sa ikaw ay kanilang maitaboy sa kalupaan. Datapuwa’t sa gayong pangyayari, sila ay hindi makakapangyaring makapanatili (rito) pagkaraan mo, maliban lamang sa pansamantalang panahon

Choose other languages: