Surah Al-Isra Ayahs #68 Translated in Filipino
وَاسْتَفْزِزْ مَنِ اسْتَطَعْتَ مِنْهُمْ بِصَوْتِكَ وَأَجْلِبْ عَلَيْهِمْ بِخَيْلِكَ وَرَجِلِكَ وَشَارِكْهُمْ فِي الْأَمْوَالِ وَالْأَوْلَادِ وَعِدْهُمْ ۚ وَمَا يَعِدُهُمُ الشَّيْطَانُ إِلَّا غُرُورًا
At Istafziz (ang literal na kahulugan: linlangin o lokohin sila ng dahan-dahan), sila na iyong mararahuyo o malalansi sa pamamagitan ng iyong tinig (alalaong baga, mga kanta, tugtugin, at iba pang paraan tungo sa pagsuway kay Allah), salakayin mo sila na kasama ang iyong lipon at mga sundalo, magkapanabay na ibahagi mo sa kanila ang kayamanan at mga anak (sa pamamagitan ng panunukso sa kanila na kumita ng salapi sa pamamagitan ng ipinagbabawal na paraan, - pagpapatubo ng pera, atbp., o ang paggawa ng bawal na pakikipagtalik, atbp.), at gumawa ka ng mga pangako sa kanila.” Datapuwa’t si Satanas ay nangangako lamang sa kanila ng wala ng iba maliban sa pandaraya
إِنَّ عِبَادِي لَيْسَ لَكَ عَلَيْهِمْ سُلْطَانٌ ۚ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ وَكِيلًا
Katotohanan, sa Aking alipin (alalaong baga, ang tunay na nananampalataya sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), ikaw (Satanas) ay walang kapamahalaan sa kanila, at sapat na ang iyong Panginoon bilang isang Tagapangalaga
رَبُّكُمُ الَّذِي يُزْجِي لَكُمُ الْفُلْكَ فِي الْبَحْرِ لِتَبْتَغُوا مِنْ فَضْلِهِ ۚ إِنَّهُ كَانَ بِكُمْ رَحِيمًا
Ang inyong Panginoon ang Siyang nagtutulak sa barko para sa inyo sa kahabaan ng dagat upang kayo ay magsihanap ng Kanyang kasaganaan. Katotohanang Siya ay Lagi nang Maawain sa inyo
وَإِذَا مَسَّكُمُ الضُّرُّ فِي الْبَحْرِ ضَلَّ مَنْ تَدْعُونَ إِلَّا إِيَّاهُ ۖ فَلَمَّا نَجَّاكُمْ إِلَى الْبَرِّ أَعْرَضْتُمْ ۚ وَكَانَ الْإِنْسَانُ كَفُورًا
At kung ang kasahulan ay sumapit sa inyo habang kayo ay nasa dagat, yaong inyong mga pinananalanginan maliban pa sa Kanya ay naglalaho sa inyo maliban sa Kanya (si Allah lamang). Datapuwa’t nang Kanyang idaong na kayo ng ligtas sa kalupaan, kayo ay nagsisitalikod (sa Kanya). At ang tao ay lagi nang walang utang na loob ng pasasalamat
أَفَأَمِنْتُمْ أَنْ يَخْسِفَ بِكُمْ جَانِبَ الْبَرِّ أَوْ يُرْسِلَ عَلَيْكُمْ حَاصِبًا ثُمَّ لَا تَجِدُوا لَكُمْ وَكِيلًا
Kayo ba ay nakadarama ng kapanatagan, na hindi Niya hahayaan, na ang isang bahagi ng kalupaan ay lumagom sa inyo, o kaya, Siya ay hindi magpapadala laban sa inyo ng isang marahas na bagyo (ng buhangin)? Kung gayon, kayo ay hindi makakatagpo ng wakil (tagapagtangkilik, isang mangangalaga sa inyo sa Kaparusahan)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
