Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #44 Translated in Filipino

أَفَأَصْفَاكُمْ رَبُّكُمْ بِالْبَنِينَ وَاتَّخَذَ مِنَ الْمَلَائِكَةِ إِنَاثًا ۚ إِنَّكُمْ لَتَقُولُونَ قَوْلًا عَظِيمًا
Ang inyo bagang Panginoon (o mga Pagano ng Makkah) ay higit na nagbigay pahalaga sa inyo (sa pamamagitan) ng mga anak na lalaki, at nag-angkin sa Kanyang Sarili mula sa mga anghel ng mga anak na babae? Katotohanan, kayo ay umuusal ng kasuklam-suklam na pangungusap
وَلَقَدْ صَرَّفْنَا فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ لِيَذَّكَّرُوا وَمَا يَزِيدُهُمْ إِلَّا نُفُورًا
At katiyakang Aming ipinaliwanag (ang Aming mga pangako, mga babala, at nagbigay [Kami] ng maraming halimbawa), dito sa Qur’an upang sila (na walang pananampalataya) ay makinig, datapuwa’t ito ay higit pang nagdagdag sa kanila sa wala maliban sa pag-ayaw
قُلْ لَوْ كَانَ مَعَهُ آلِهَةٌ كَمَا يَقُولُونَ إِذًا لَابْتَغَوْا إِلَىٰ ذِي الْعَرْشِ سَبِيلًا
Ipagbadya (o Muhammad sa kanila, na mga pagano at mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.): “Kung tunay man na mayroon pang ibang diyos na katambal Niya na kagaya ng kanilang ipinapalagay, kung gayon, katiyakang sila ay hahanap ng isang daan patungo sa Panginoon ng Luklukan (na naghahanap ng Kanyang Pagkalugod upang maging malapit sa Kanya)
سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يَقُولُونَ عُلُوًّا كَبِيرًا
Ganap na Maluwalhati at Mataas Siya! Sa Aluwan Kabira (mga matinding kabulaanan at kasinungalingan) na kanilang ipinagtuturing! (alalaong baga, mga gawa-gawang salita na may iba pang diyos na kaakibat si Allah, datapuwa’t Siya lamang si Allah, ang Tanging Isa, ang Panginoon na may Sariling Kasapatan, na sinasandigan ng lahat ng mga nilalang, hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak, at walang sinuman ang sa Kanya ay makakatulad)
تُسَبِّحُ لَهُ السَّمَاوَاتُ السَّبْعُ وَالْأَرْضُ وَمَنْ فِيهِنَّ ۚ وَإِنْ مِنْ شَيْءٍ إِلَّا يُسَبِّحُ بِحَمْدِهِ وَلَٰكِنْ لَا تَفْقَهُونَ تَسْبِيحَهُمْ ۗ إِنَّهُ كَانَ حَلِيمًا غَفُورًا
Ang pitong kalangitan at ang pitong kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito ay lumuluwalhati sa Kanya, at walang anumang bagay ang hindi lumuluwalhati sa Kanya ng papuri (na Siya ay malaya sa anumang uri ng kapintasan at kasahulan). Datapuwa’t hindi ninyo nauunawaan ang kanilang pagbubunyi ng kaluwalhatian. Katotohanang Siya ay Ganap na Mapagpaumanhin, ang Lagi nang Nagpapatawad

Choose other languages: