Surah Al-Isra Ayahs #46 Translated in Filipino
قُلْ لَوْ كَانَ مَعَهُ آلِهَةٌ كَمَا يَقُولُونَ إِذًا لَابْتَغَوْا إِلَىٰ ذِي الْعَرْشِ سَبِيلًا
Ipagbadya (o Muhammad sa kanila, na mga pagano at mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.): “Kung tunay man na mayroon pang ibang diyos na katambal Niya na kagaya ng kanilang ipinapalagay, kung gayon, katiyakang sila ay hahanap ng isang daan patungo sa Panginoon ng Luklukan (na naghahanap ng Kanyang Pagkalugod upang maging malapit sa Kanya)
سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يَقُولُونَ عُلُوًّا كَبِيرًا
Ganap na Maluwalhati at Mataas Siya! Sa Aluwan Kabira (mga matinding kabulaanan at kasinungalingan) na kanilang ipinagtuturing! (alalaong baga, mga gawa-gawang salita na may iba pang diyos na kaakibat si Allah, datapuwa’t Siya lamang si Allah, ang Tanging Isa, ang Panginoon na may Sariling Kasapatan, na sinasandigan ng lahat ng mga nilalang, hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak, at walang sinuman ang sa Kanya ay makakatulad)
تُسَبِّحُ لَهُ السَّمَاوَاتُ السَّبْعُ وَالْأَرْضُ وَمَنْ فِيهِنَّ ۚ وَإِنْ مِنْ شَيْءٍ إِلَّا يُسَبِّحُ بِحَمْدِهِ وَلَٰكِنْ لَا تَفْقَهُونَ تَسْبِيحَهُمْ ۗ إِنَّهُ كَانَ حَلِيمًا غَفُورًا
Ang pitong kalangitan at ang pitong kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito ay lumuluwalhati sa Kanya, at walang anumang bagay ang hindi lumuluwalhati sa Kanya ng papuri (na Siya ay malaya sa anumang uri ng kapintasan at kasahulan). Datapuwa’t hindi ninyo nauunawaan ang kanilang pagbubunyi ng kaluwalhatian. Katotohanang Siya ay Ganap na Mapagpaumanhin, ang Lagi nang Nagpapatawad
وَإِذَا قَرَأْتَ الْقُرْآنَ جَعَلْنَا بَيْنَكَ وَبَيْنَ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ حِجَابًا مَسْتُورًا
At nang ikaw (o Muhammad) ay dumadalit ng Qur’an, inilagay Namin sa iyong pagitan at ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay ang hindi nakikitang lambong (o tabing sa kanilang puso, upang sila ay hindi makarinig o hindi makaunawa)
وَجَعَلْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ أَكِنَّةً أَنْ يَفْقَهُوهُ وَفِي آذَانِهِمْ وَقْرًا ۚ وَإِذَا ذَكَرْتَ رَبَّكَ فِي الْقُرْآنِ وَحْدَهُ وَلَّوْا عَلَىٰ أَدْبَارِهِمْ نُفُورًا
At naglagay Kami ng tabing sa ibabaw ng kanilang puso, baka mangyari, na maunawaan nila ito (ang Qur’an), at ng pagkabingi sa kanilang tainga. At nang ikaw ay bumabanggit lamang sa iyong Panginoon (La ilaha ill Allah – Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah, ang Kaisahan ni Allah sa Islam) sa Qur’an, sila ay tumatalikod at umaalis sa malaking pag-ayaw
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
