Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #264 Translated in Filipino

وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ رَبِّ أَرِنِي كَيْفَ تُحْيِي الْمَوْتَىٰ ۖ قَالَ أَوَلَمْ تُؤْمِنْ ۖ قَالَ بَلَىٰ وَلَٰكِنْ لِيَطْمَئِنَّ قَلْبِي ۖ قَالَ فَخُذْ أَرْبَعَةً مِنَ الطَّيْرِ فَصُرْهُنَّ إِلَيْكَ ثُمَّ اجْعَلْ عَلَىٰ كُلِّ جَبَلٍ مِنْهُنَّ جُزْءًا ثُمَّ ادْعُهُنَّ يَأْتِينَكَ سَعْيًا ۚ وَاعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Pagmasdan! Si Abraham ay nagsabi: “Aking Panginoon, ipamalas Ninyo sa akin kung paano Kayo nagbibigay ng buhay sa patay.” Siya (Allah) ay nagwika: “Hindi ka ba naniniwala?” Siya (Abraham) ay nagsabi: “Tunay, (ako ay nananalig), nguni’t upang maging malakas ang (aking) pananalig.” Siya (Allah) ay nagwika: “Ikaw ay kumuha ng apat na ibon, talian mo sila (at hatiin mo sa maraming piraso), at iyong ilagay ang bawat piraso sa bawat burol, at sila ay iyong tawagin, sila ay magmamadali na paparoon sa iyo”. At iyong maalaman na si Allah ang Pinakamakapangyarihan, ang Lubos na Maalam
مَثَلُ الَّذِينَ يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ كَمَثَلِ حَبَّةٍ أَنْبَتَتْ سَبْعَ سَنَابِلَ فِي كُلِّ سُنْبُلَةٍ مِائَةُ حَبَّةٍ ۗ وَاللَّهُ يُضَاعِفُ لِمَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ
Ang nakakatulad nila na gumugugol ng kanilang kayamanan sa Kapakanan ni Allah ay katulad ng mga butil (ng mais); ito ay tumubo (at lumaki) ng pitong busal, at ang bawat busal ay may isang daang butil. Si Allah ang nagkakaloob ng saganang dagdag sa sinumang Kanyang maibigan. At si Allah ay may sapat na panustos sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Ganap na Maalam
الَّذِينَ يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ثُمَّ لَا يُتْبِعُونَ مَا أَنْفَقُوا مَنًّا وَلَا أَذًى ۙ لَهُمْ أَجْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
Ang mga gumugugol ng kanilang kayamanan sa Kapakanan ni Allah, at hindi nagsasabi na ang kanilang handog ay marapat na alalahanin (bigyan ng pagpapahalaga o tanawing isang utang na loob) bilang tanda ng kanilang pagiging mapagbigay o kung (magdudulot) ng kapinsalaan (alalaong baga, ipapamalita na sila ay nagbigay na maaaring ikapahiya ng tumanggap), ang kanilang ganti ay nasa kanilang Panginoon. Sa kanila ay walang pangangamba, at sila ay hindi mamimighati
قَوْلٌ مَعْرُوفٌ وَمَغْفِرَةٌ خَيْرٌ مِنْ صَدَقَةٍ يَتْبَعُهَا أَذًى ۗ وَاللَّهُ غَنِيٌّ حَلِيمٌ
Ang mabuting salita at ang pagtatakip sa mga kamalian ay higit na mainam sa kawanggawa na sinusundan ng kapinsalaan (alalaong baga, nagpapatanaw ng utang na loob sa tumanggap). Si Allah ay Masagana (hindi nangangailangan ng anuman) at Siya ang Pinakamapagpaumanhin
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تُبْطِلُوا صَدَقَاتِكُمْ بِالْمَنِّ وَالْأَذَىٰ كَالَّذِي يُنْفِقُ مَالَهُ رِئَاءَ النَّاسِ وَلَا يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۖ فَمَثَلُهُ كَمَثَلِ صَفْوَانٍ عَلَيْهِ تُرَابٌ فَأَصَابَهُ وَابِلٌ فَتَرَكَهُ صَلْدًا ۖ لَا يَقْدِرُونَ عَلَىٰ شَيْءٍ مِمَّا كَسَبُوا ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْكَافِرِينَ
o kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong bayaan na mawalang saysay ang inyong kawanggawa sa pamamagitan ng pagpapaala-ala sa inyong pagiging mapagbigay o nang (pagdudulot) ng kapinsalaan (alalaong baga, na dapat tumanaw ng utang na loob ang nakatanggap), na katulad niya na gumugugol ng kanyang kayamanan upang mamasdan lamang ng mga tao, at siya ay hindi nananampalataya kay Allah, gayundin sa Huling Araw. Ang kanyang kawangki ay katulad ng isang makinis na bato na rito ay may bahagyang alikabok; dito ay bumuhos ang malakas na ulan at naiwan ito na hubad. Sila ay walang magagawang anuman sa anumang kanilang kinita. At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga nagtatakwil sa pananampalataya

Choose other languages: