Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #265 Translated in Filipino

مَثَلُ الَّذِينَ يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ كَمَثَلِ حَبَّةٍ أَنْبَتَتْ سَبْعَ سَنَابِلَ فِي كُلِّ سُنْبُلَةٍ مِائَةُ حَبَّةٍ ۗ وَاللَّهُ يُضَاعِفُ لِمَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ
Ang nakakatulad nila na gumugugol ng kanilang kayamanan sa Kapakanan ni Allah ay katulad ng mga butil (ng mais); ito ay tumubo (at lumaki) ng pitong busal, at ang bawat busal ay may isang daang butil. Si Allah ang nagkakaloob ng saganang dagdag sa sinumang Kanyang maibigan. At si Allah ay may sapat na panustos sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Ganap na Maalam
الَّذِينَ يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ثُمَّ لَا يُتْبِعُونَ مَا أَنْفَقُوا مَنًّا وَلَا أَذًى ۙ لَهُمْ أَجْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
Ang mga gumugugol ng kanilang kayamanan sa Kapakanan ni Allah, at hindi nagsasabi na ang kanilang handog ay marapat na alalahanin (bigyan ng pagpapahalaga o tanawing isang utang na loob) bilang tanda ng kanilang pagiging mapagbigay o kung (magdudulot) ng kapinsalaan (alalaong baga, ipapamalita na sila ay nagbigay na maaaring ikapahiya ng tumanggap), ang kanilang ganti ay nasa kanilang Panginoon. Sa kanila ay walang pangangamba, at sila ay hindi mamimighati
قَوْلٌ مَعْرُوفٌ وَمَغْفِرَةٌ خَيْرٌ مِنْ صَدَقَةٍ يَتْبَعُهَا أَذًى ۗ وَاللَّهُ غَنِيٌّ حَلِيمٌ
Ang mabuting salita at ang pagtatakip sa mga kamalian ay higit na mainam sa kawanggawa na sinusundan ng kapinsalaan (alalaong baga, nagpapatanaw ng utang na loob sa tumanggap). Si Allah ay Masagana (hindi nangangailangan ng anuman) at Siya ang Pinakamapagpaumanhin
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تُبْطِلُوا صَدَقَاتِكُمْ بِالْمَنِّ وَالْأَذَىٰ كَالَّذِي يُنْفِقُ مَالَهُ رِئَاءَ النَّاسِ وَلَا يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۖ فَمَثَلُهُ كَمَثَلِ صَفْوَانٍ عَلَيْهِ تُرَابٌ فَأَصَابَهُ وَابِلٌ فَتَرَكَهُ صَلْدًا ۖ لَا يَقْدِرُونَ عَلَىٰ شَيْءٍ مِمَّا كَسَبُوا ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْكَافِرِينَ
o kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong bayaan na mawalang saysay ang inyong kawanggawa sa pamamagitan ng pagpapaala-ala sa inyong pagiging mapagbigay o nang (pagdudulot) ng kapinsalaan (alalaong baga, na dapat tumanaw ng utang na loob ang nakatanggap), na katulad niya na gumugugol ng kanyang kayamanan upang mamasdan lamang ng mga tao, at siya ay hindi nananampalataya kay Allah, gayundin sa Huling Araw. Ang kanyang kawangki ay katulad ng isang makinis na bato na rito ay may bahagyang alikabok; dito ay bumuhos ang malakas na ulan at naiwan ito na hubad. Sila ay walang magagawang anuman sa anumang kanilang kinita. At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga nagtatakwil sa pananampalataya
وَمَثَلُ الَّذِينَ يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمُ ابْتِغَاءَ مَرْضَاتِ اللَّهِ وَتَثْبِيتًا مِنْ أَنْفُسِهِمْ كَمَثَلِ جَنَّةٍ بِرَبْوَةٍ أَصَابَهَا وَابِلٌ فَآتَتْ أُكُلَهَا ضِعْفَيْنِ فَإِنْ لَمْ يُصِبْهَا وَابِلٌ فَطَلٌّ ۗ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
Atangnakakahalintuladngmgagumugugolngkanilang kayamanan na naghahangad na magbigay lugod kay Allah at upang patibayin ang kanilang kaluluwa ay tulad ng isang halamanan na malago at malusog; ang malakas na ulan ay bumuhos dito at ito ay nagbunga ng higit na maraming ani, at kung ito man ay hindi tumanggap ng malakas na ulan, ang kaunting pagkabasa nito ay sapat na. Si Allah ang Ganap na Nakakamasid sa anumang inyong ginagawa

Choose other languages: