Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #19 Translated in Filipino

اللَّهُ يَسْتَهْزِئُ بِهِمْ وَيَمُدُّهُمْ فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ
Si Allah ang manunuya sa kanila at magbibigay ng dagdag sa kanilang mga kamalian upang sila ay magsilibot na katulad ng isang bulag
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ اشْتَرَوُا الضَّلَالَةَ بِالْهُدَىٰ فَمَا رَبِحَتْ تِجَارَتُهُمْ وَمَا كَانُوا مُهْتَدِينَ
Sila yaong ipinagpalit nila ang kamalian sa patnubay, kaya’t ang kanilang kalakal ay walang kapakinabangan; at sila ay nawalan ng patnubay
مَثَلُهُمْ كَمَثَلِ الَّذِي اسْتَوْقَدَ نَارًا فَلَمَّا أَضَاءَتْ مَا حَوْلَهُ ذَهَبَ اللَّهُ بِنُورِهِمْ وَتَرَكَهُمْ فِي ظُلُمَاتٍ لَا يُبْصِرُونَ
Ang kanilang kahalintulad ay katulad ng isang (tao) na nagpaparikit ng apoy. Nang ito ay magbigay ng liwanag sa kanyang paligid, si Allah ang kumuha ng kanilang liwanag at iniwan sila sa kadiliman. Kaya’t sila ay hindi makakita
صُمٌّ بُكْمٌ عُمْيٌ فَهُمْ لَا يَرْجِعُونَ
Sila ay mga bingi, pipi at bulag; sila ay hindi makakabalik (sa tamang landas)
أَوْ كَصَيِّبٍ مِنَ السَّمَاءِ فِيهِ ظُلُمَاتٌ وَرَعْدٌ وَبَرْقٌ يَجْعَلُونَ أَصَابِعَهُمْ فِي آذَانِهِمْ مِنَ الصَّوَاعِقِ حَذَرَ الْمَوْتِ ۚ وَاللَّهُ مُحِيطٌ بِالْكَافِرِينَ
(At ang isa pang kahalintulad) ay ang mabigat na ulap sa alapaap; naririto ang kadiliman, ang kulog at kidlat. Idinidiin nila ang kanilang mga daliri sa kanilang mga tainga upang hindi nila marinig ang nakakabinging pagkidlat dahilan sa kanilang pangangamba sa kamatayan. Datapuwa’t si Allah ang nakakasakop sa mga hindi sumasampalataya

Choose other languages: