Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #18 Translated in Filipino

وَإِذَا لَقُوا الَّذِينَ آمَنُوا قَالُوا آمَنَّا وَإِذَا خَلَوْا إِلَىٰ شَيَاطِينِهِمْ قَالُوا إِنَّا مَعَكُمْ إِنَّمَا نَحْنُ مُسْتَهْزِئُونَ
At kung kanilang nakakadaupang palad ang mga sumasampalataya, sila ay nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya”, datapuwa’t kung sila ay nag-iisa na lamang na kasama ang kanilang masasama (mga pagano, mapagpaimbabaw, atbp.) sila ay nagsasabi: “Katotohanang kami ay nasa inyo, (datapuwa’t) kami ay nanunuya lamang.”
اللَّهُ يَسْتَهْزِئُ بِهِمْ وَيَمُدُّهُمْ فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ
Si Allah ang manunuya sa kanila at magbibigay ng dagdag sa kanilang mga kamalian upang sila ay magsilibot na katulad ng isang bulag
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ اشْتَرَوُا الضَّلَالَةَ بِالْهُدَىٰ فَمَا رَبِحَتْ تِجَارَتُهُمْ وَمَا كَانُوا مُهْتَدِينَ
Sila yaong ipinagpalit nila ang kamalian sa patnubay, kaya’t ang kanilang kalakal ay walang kapakinabangan; at sila ay nawalan ng patnubay
مَثَلُهُمْ كَمَثَلِ الَّذِي اسْتَوْقَدَ نَارًا فَلَمَّا أَضَاءَتْ مَا حَوْلَهُ ذَهَبَ اللَّهُ بِنُورِهِمْ وَتَرَكَهُمْ فِي ظُلُمَاتٍ لَا يُبْصِرُونَ
Ang kanilang kahalintulad ay katulad ng isang (tao) na nagpaparikit ng apoy. Nang ito ay magbigay ng liwanag sa kanyang paligid, si Allah ang kumuha ng kanilang liwanag at iniwan sila sa kadiliman. Kaya’t sila ay hindi makakita
صُمٌّ بُكْمٌ عُمْيٌ فَهُمْ لَا يَرْجِعُونَ
Sila ay mga bingi, pipi at bulag; sila ay hindi makakabalik (sa tamang landas)

Choose other languages: