Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #143 Translated in Filipino

قُلْ أَتُحَاجُّونَنَا فِي اللَّهِ وَهُوَ رَبُّنَا وَرَبُّكُمْ وَلَنَا أَعْمَالُنَا وَلَكُمْ أَعْمَالُكُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُخْلِصُونَ
Ipagbadya mo (O Muhammad sa mga Hudyo at Kristiyano): “Kayo ba ay makikipagtalo sa amin tungkol kay Allah, gayong Siya ang aming Panginoon at inyong Panginoon. At kami ay gagantimpalaan sa aming mga gawa, gayundin naman kayo sa inyong mga gawa. At kami ay matapat sa Kanya sa pagsamba at pagtalima”
أَمْ تَقُولُونَ إِنَّ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطَ كَانُوا هُودًا أَوْ نَصَارَىٰ ۗ قُلْ أَأَنْتُمْ أَعْلَمُ أَمِ اللَّهُ ۗ وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنْ كَتَمَ شَهَادَةً عِنْدَهُ مِنَ اللَّهِ ۗ وَمَا اللَّهُ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ
o inyo bang sinasabi na sina Abraham, Ismail, Isaac, Hakob at ang (labindalawang) Tribo ay mga Hudyo o Kristiyano? Ipagbadya: “Higit ba kayong maalam kaysa kay Allah? At sino pa kaya ang higit na walang katarungan maliban sa kanya na naglilingid ng kanyang pagpapahayag kay Allah?” At si Allah ang nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa
تِلْكَ أُمَّةٌ قَدْ خَلَتْ ۖ لَهَا مَا كَسَبَتْ وَلَكُمْ مَا كَسَبْتُمْ ۖ وَلَا تُسْأَلُونَ عَمَّا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Sila ang mga tao (pamayanan) na nagsipanaw na. Tatamasahin nila ang bunga ng kanilang ginawa, gayundin kayo, sa inyong ginawa. At ikaw ay hindi tatanungin kung ano ang kanilang ginawa
سَيَقُولُ السُّفَهَاءُ مِنَ النَّاسِ مَا وَلَّاهُمْ عَنْ قِبْلَتِهِمُ الَّتِي كَانُوا عَلَيْهَا ۚ قُلْ لِلَّهِ الْمَشْرِقُ وَالْمَغْرِبُ ۚ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
Ang mga walang pag-iisip (mga pagano, mapagpaimbabaw, atbp.) sa lipon ng mga tao ay nagsasabi: “Ano ang dahilan kung bakit sila nagpalit ng Qiblah (pook na kung saan sila nakaharap sa pagdarasal, alalaong baga, ang Herusalem), na kung saan sila ay nahirati na sa pagharap sa pagdarasal?” Ipagbadya (o Muhammad): “Si Allah ang nag-aangkin ng Silangan at Kanluran. Pinapatnubayan Niya ang sinumang Kanyang maibigan sa tuwid na landas.”
وَكَذَٰلِكَ جَعَلْنَاكُمْ أُمَّةً وَسَطًا لِتَكُونُوا شُهَدَاءَ عَلَى النَّاسِ وَيَكُونَ الرَّسُولُ عَلَيْكُمْ شَهِيدًا ۗ وَمَا جَعَلْنَا الْقِبْلَةَ الَّتِي كُنْتَ عَلَيْهَا إِلَّا لِنَعْلَمَ مَنْ يَتَّبِعُ الرَّسُولَ مِمَّنْ يَنْقَلِبُ عَلَىٰ عَقِبَيْهِ ۚ وَإِنْ كَانَتْ لَكَبِيرَةً إِلَّا عَلَى الَّذِينَ هَدَى اللَّهُ ۗ وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيُضِيعَ إِيمَانَكُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِالنَّاسِ لَرَءُوفٌ رَحِيمٌ
Kaya’t Aming ginawa kayo na isang makatarungan at pinakamainam na Pamayanan upang kayo ay maging mga saksi sa sangkatauhan, at ang Tagapagbalita (Muhammad) ay maging saksi sa inyong sarili. At ginawa Namin ang Qiblah (pook ng pagharap sa pagdarasal, alalaong baga, ang Herusalem) na nakagisnan na ninyong doon humaharap upang (Aming) masubukan ang susunod sa Tagapagbalita (Muhammad), at ang mga tatalikod sa kanilang sakong (susuway sa Tagapagbalita). Katotohanang ito ay mabigat (sa kanilang kalooban), maliban sa kanila na pinatnubayan ni Allah. At kailanman ay hindi hahayaan ni Allah na ang inyong pananampalataya (at pagdalangin) ay mawalan ng saysay. Katotohanang si Allah ay Tigib ng Kabaitan, ang Pinakamaawain sa sangkatauhan

Choose other languages: