Surah Al-Baqara Ayahs #146 Translated in Filipino
سَيَقُولُ السُّفَهَاءُ مِنَ النَّاسِ مَا وَلَّاهُمْ عَنْ قِبْلَتِهِمُ الَّتِي كَانُوا عَلَيْهَا ۚ قُلْ لِلَّهِ الْمَشْرِقُ وَالْمَغْرِبُ ۚ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
Ang mga walang pag-iisip (mga pagano, mapagpaimbabaw, atbp.) sa lipon ng mga tao ay nagsasabi: “Ano ang dahilan kung bakit sila nagpalit ng Qiblah (pook na kung saan sila nakaharap sa pagdarasal, alalaong baga, ang Herusalem), na kung saan sila ay nahirati na sa pagharap sa pagdarasal?” Ipagbadya (o Muhammad): “Si Allah ang nag-aangkin ng Silangan at Kanluran. Pinapatnubayan Niya ang sinumang Kanyang maibigan sa tuwid na landas.”
وَكَذَٰلِكَ جَعَلْنَاكُمْ أُمَّةً وَسَطًا لِتَكُونُوا شُهَدَاءَ عَلَى النَّاسِ وَيَكُونَ الرَّسُولُ عَلَيْكُمْ شَهِيدًا ۗ وَمَا جَعَلْنَا الْقِبْلَةَ الَّتِي كُنْتَ عَلَيْهَا إِلَّا لِنَعْلَمَ مَنْ يَتَّبِعُ الرَّسُولَ مِمَّنْ يَنْقَلِبُ عَلَىٰ عَقِبَيْهِ ۚ وَإِنْ كَانَتْ لَكَبِيرَةً إِلَّا عَلَى الَّذِينَ هَدَى اللَّهُ ۗ وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيُضِيعَ إِيمَانَكُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِالنَّاسِ لَرَءُوفٌ رَحِيمٌ
Kaya’t Aming ginawa kayo na isang makatarungan at pinakamainam na Pamayanan upang kayo ay maging mga saksi sa sangkatauhan, at ang Tagapagbalita (Muhammad) ay maging saksi sa inyong sarili. At ginawa Namin ang Qiblah (pook ng pagharap sa pagdarasal, alalaong baga, ang Herusalem) na nakagisnan na ninyong doon humaharap upang (Aming) masubukan ang susunod sa Tagapagbalita (Muhammad), at ang mga tatalikod sa kanilang sakong (susuway sa Tagapagbalita). Katotohanang ito ay mabigat (sa kanilang kalooban), maliban sa kanila na pinatnubayan ni Allah. At kailanman ay hindi hahayaan ni Allah na ang inyong pananampalataya (at pagdalangin) ay mawalan ng saysay. Katotohanang si Allah ay Tigib ng Kabaitan, ang Pinakamaawain sa sangkatauhan
قَدْ نَرَىٰ تَقَلُّبَ وَجْهِكَ فِي السَّمَاءِ ۖ فَلَنُوَلِّيَنَّكَ قِبْلَةً تَرْضَاهَا ۚ فَوَلِّ وَجْهَكَ شَطْرَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۚ وَحَيْثُ مَا كُنْتُمْ فَوَلُّوا وُجُوهَكُمْ شَطْرَهُ ۗ وَإِنَّ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ لَيَعْلَمُونَ أَنَّهُ الْحَقُّ مِنْ رَبِّهِمْ ۗ وَمَا اللَّهُ بِغَافِلٍ عَمَّا يَعْمَلُونَ
Katotohanang napagmasdan Namin ang pagbaling ng iyong mukha tungo sa kalangitan (o Muhammad). Katiyakang ililingon ka Namin sa isang Qiblah (pook ng pagharap sa pagdarasal) na magbibigay kasiyahan sa iyo, kaya’t ilingon mo ang iyong mukha patungo (sa direksyon) ng Banal na Bahay dalanginan (sa Makkah). At kahit nasaan ka pang lugar, ilingon mo ang iyong mukha (sa pagdarasal) sa gayong lugar. Katiyakan, ang Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay ganap na nakakaalam na ito ang katotohanan mula sa kanilang Panginoon. At si Allah ang nakakaalam ng kanilang ginagawa
وَلَئِنْ أَتَيْتَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ بِكُلِّ آيَةٍ مَا تَبِعُوا قِبْلَتَكَ ۚ وَمَا أَنْتَ بِتَابِعٍ قِبْلَتَهُمْ ۚ وَمَا بَعْضُهُمْ بِتَابِعٍ قِبْلَةَ بَعْضٍ ۚ وَلَئِنِ اتَّبَعْتَ أَهْوَاءَهُمْ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ ۙ إِنَّكَ إِذًا لَمِنَ الظَّالِمِينَ
Kahit na iyong dalhin sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ang lahat ng Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp. nang sama-sama), hindi nila susundin ang iyong Qiblah (pook ng pagharap sa pagdarasal) at hindi mo rin susundin ang kanilang Qiblah (pook ng pagharap sa pagdarasal), gayundin ay hindi nila susundin ang Qiblah (pook ng pagharap sa pagdarasal) ng bawat isa sa kanila. Katotohanan, kung ikaw ay susunod sa kanilang mga pagnanasa matapos na ikaw ay makatanggap ng kaalaman (mula kay Allah), kung magkagayon, ikaw ay maliwanag na (magiging) isa sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp)
الَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يَعْرِفُونَهُ كَمَا يَعْرِفُونَ أَبْنَاءَهُمْ ۖ وَإِنَّ فَرِيقًا مِنْهُمْ لَيَكْتُمُونَ الْحَقَّ وَهُمْ يَعْلَمُونَ
Sila na Aming pinagkalooban ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay nakakakilala sa kanya (kay Muhammad, o sa Qiblah o Ka’ba sa Makkah) na katulad ng pagkakakilala nila sa kanilang mga anak na lalaki; datapuwa’t may pangkat sa lipon nila na naglilingid ng katotohanan bagama’t ito ay kanilang nababatid
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
