Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #124 Translated in Filipino

وَلَنْ تَرْضَىٰ عَنْكَ الْيَهُودُ وَلَا النَّصَارَىٰ حَتَّىٰ تَتَّبِعَ مِلَّتَهُمْ ۗ قُلْ إِنَّ هُدَى اللَّهِ هُوَ الْهُدَىٰ ۗ وَلَئِنِ اتَّبَعْتَ أَهْوَاءَهُمْ بَعْدَ الَّذِي جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ ۙ مَا لَكَ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ
Kailanman, ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay hindi masisiyahan sa iyo (O Muhammad) malibang iyong sundin ang paraan ng kanilang pananampalataya. Ipagbadya: “Katotohanan, ang Patnubay ni Allah (ang Islam), ito lamang ang (tanging) patnubay.” At kung ikaw (o Muhammad) ay susunod sa kanilang nais, pagkaraan na iyong matanggap ang Karunungan (ang Qur’an), kung magkagayon, ikaw ay hindi makakatagpo ng anumang Wali (Tagapangalaga o Kawaksi) laban kay Allah
الَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يَتْلُونَهُ حَقَّ تِلَاوَتِهِ أُولَٰئِكَ يُؤْمِنُونَ بِهِ ۗ وَمَنْ يَكْفُرْ بِهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ
Ang mga biniyayaan Namin ng Aklat (Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) ay nag-aaral nito (ang Qur’an) sa paraang nararapat na pag-aaral (alalaong baga, dumadalit nito at sumusunod sa [kanyang] pag-uutos at mga aral); sila ang mga nagsisisampalataya rito. At ang mga magtatakwil ng pananalig dito (sa Qur’an), sasakanila ang pagkatalo
يَا بَنِي إِسْرَائِيلَ اذْكُرُوا نِعْمَتِيَ الَّتِي أَنْعَمْتُ عَلَيْكُمْ وَأَنِّي فَضَّلْتُكُمْ عَلَى الْعَالَمِينَ
o Angkan ng Israel! Alalahanin ninyo ang Aking Biyaya na ipinagkaloob sa inyo at kayo ay Aking higit na pinahalagahan kaysa sa ibang mga nilalang (ng inyong kapanahunan na lumipas)
وَاتَّقُوا يَوْمًا لَا تَجْزِي نَفْسٌ عَنْ نَفْسٍ شَيْئًا وَلَا يُقْبَلُ مِنْهَا عَدْلٌ وَلَا تَنْفَعُهَا شَفَاعَةٌ وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ
At inyong pangambahan ang Takdang Araw (ng Paghuhukom), na walang isa mang kaluluwa ang makakaasa sa iba, gayundin ang bayad ay hindi tatanggapin sa kanya, gayundin ang pamamagitan ay walang saysay sa kanya, gayundin naman, sila ay hindi matutulungan
وَإِذِ ابْتَلَىٰ إِبْرَاهِيمَ رَبُّهُ بِكَلِمَاتٍ فَأَتَمَّهُنَّ ۖ قَالَ إِنِّي جَاعِلُكَ لِلنَّاسِ إِمَامًا ۖ قَالَ وَمِنْ ذُرِّيَّتِي ۖ قَالَ لَا يَنَالُ عَهْدِي الظَّالِمِينَ
At alalahanin nang si Abraham ay sinubukan ng kanyang Panginoon sa natatanging Pag- uutos na kanyang tinupad. Siya (Allah) ay nagwika sa kanya: “Katotohanan, ikaw ay Aking gagawin na isang pinuno (Propeta) ng sangkatauhan.” (Si Abraham) ay nanikluhod: “Gayundin ang aking mga anak (lahi) bilang mga pinuno.” (Si Allah) ay nagwika: “Ang Aking Kasunduan (paghirang sa Propeta, atbp.) ay hindi nakakasakop sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian).”

Choose other languages: