Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #127 Translated in Filipino

وَاتَّقُوا يَوْمًا لَا تَجْزِي نَفْسٌ عَنْ نَفْسٍ شَيْئًا وَلَا يُقْبَلُ مِنْهَا عَدْلٌ وَلَا تَنْفَعُهَا شَفَاعَةٌ وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ
At inyong pangambahan ang Takdang Araw (ng Paghuhukom), na walang isa mang kaluluwa ang makakaasa sa iba, gayundin ang bayad ay hindi tatanggapin sa kanya, gayundin ang pamamagitan ay walang saysay sa kanya, gayundin naman, sila ay hindi matutulungan
وَإِذِ ابْتَلَىٰ إِبْرَاهِيمَ رَبُّهُ بِكَلِمَاتٍ فَأَتَمَّهُنَّ ۖ قَالَ إِنِّي جَاعِلُكَ لِلنَّاسِ إِمَامًا ۖ قَالَ وَمِنْ ذُرِّيَّتِي ۖ قَالَ لَا يَنَالُ عَهْدِي الظَّالِمِينَ
At alalahanin nang si Abraham ay sinubukan ng kanyang Panginoon sa natatanging Pag- uutos na kanyang tinupad. Siya (Allah) ay nagwika sa kanya: “Katotohanan, ikaw ay Aking gagawin na isang pinuno (Propeta) ng sangkatauhan.” (Si Abraham) ay nanikluhod: “Gayundin ang aking mga anak (lahi) bilang mga pinuno.” (Si Allah) ay nagwika: “Ang Aking Kasunduan (paghirang sa Propeta, atbp.) ay hindi nakakasakop sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian).”
وَإِذْ جَعَلْنَا الْبَيْتَ مَثَابَةً لِلنَّاسِ وَأَمْنًا وَاتَّخِذُوا مِنْ مَقَامِ إِبْرَاهِيمَ مُصَلًّى ۖ وَعَهِدْنَا إِلَىٰ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ أَنْ طَهِّرَا بَيْتِيَ لِلطَّائِفِينَ وَالْعَاكِفِينَ وَالرُّكَّعِ السُّجُودِ
At alalahanin nang Aming gawin ang Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah) bilang isang lugar ng pagtitipon sa mga tao at isang lugar ng kaligtasan. At kayo ay Aming dinala sa Himpilan ni Abraham bilang isang lugar ng dalanginan at Aming ipinag-utos kay Abraham at Ismail na nararapat nilang dalisayin ang Aking Tahanan sa mga tao na pumapalibot dito, o namamalagi rito (sa pag-aala- ala kay Allah), o sa mga yumuyuko at nagpapatirapa rito (sa pananalangin)
وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ رَبِّ اجْعَلْ هَٰذَا بَلَدًا آمِنًا وَارْزُقْ أَهْلَهُ مِنَ الثَّمَرَاتِ مَنْ آمَنَ مِنْهُمْ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۖ قَالَ وَمَنْ كَفَرَ فَأُمَتِّعُهُ قَلِيلًا ثُمَّ أَضْطَرُّهُ إِلَىٰ عَذَابِ النَّارِ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ
At alalahanin nang sabihin ni Abraham: “Aking Panginoon, gawin Ninyo na ang lungsod na ito (Makkah) ay maging isang lugar ng kaligtasan at Inyong biyayaan ang nagsisipanirahan dito ng mga bungangkahoy, sa mga katulad nila na sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw. Siya (Allah) ay nagwika: “At sa kanya na hindi sumasampalataya, siya ay pansamantala Kong hahayaan sa pananagana, datapuwa’t hindi magtatagal, siya ay Aking itataboy sa kaparusahan ng Apoy, isang masamang patutunguhan!”
وَإِذْ يَرْفَعُ إِبْرَاهِيمُ الْقَوَاعِدَ مِنَ الْبَيْتِ وَإِسْمَاعِيلُ رَبَّنَا تَقَبَّلْ مِنَّا ۖ إِنَّكَ أَنْتَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ
AtalalahaninnangitindigniAbrahamat Ismailangmga haligi ng Tahanan (na may panikluhod): “Aming Panginoon! Tanggapin Ninyo (ang paglilingkod na ito) mula sa amin. Katotohanang Kayo ang Ganap na Nakakarinig, ang Tigib ng Kaalaman.”

Choose other languages: