Surah Al-Baqara Ayahs #129 Translated in Filipino
وَإِذْ جَعَلْنَا الْبَيْتَ مَثَابَةً لِلنَّاسِ وَأَمْنًا وَاتَّخِذُوا مِنْ مَقَامِ إِبْرَاهِيمَ مُصَلًّى ۖ وَعَهِدْنَا إِلَىٰ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ أَنْ طَهِّرَا بَيْتِيَ لِلطَّائِفِينَ وَالْعَاكِفِينَ وَالرُّكَّعِ السُّجُودِ
At alalahanin nang Aming gawin ang Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah) bilang isang lugar ng pagtitipon sa mga tao at isang lugar ng kaligtasan. At kayo ay Aming dinala sa Himpilan ni Abraham bilang isang lugar ng dalanginan at Aming ipinag-utos kay Abraham at Ismail na nararapat nilang dalisayin ang Aking Tahanan sa mga tao na pumapalibot dito, o namamalagi rito (sa pag-aala- ala kay Allah), o sa mga yumuyuko at nagpapatirapa rito (sa pananalangin)
وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ رَبِّ اجْعَلْ هَٰذَا بَلَدًا آمِنًا وَارْزُقْ أَهْلَهُ مِنَ الثَّمَرَاتِ مَنْ آمَنَ مِنْهُمْ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۖ قَالَ وَمَنْ كَفَرَ فَأُمَتِّعُهُ قَلِيلًا ثُمَّ أَضْطَرُّهُ إِلَىٰ عَذَابِ النَّارِ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ
At alalahanin nang sabihin ni Abraham: “Aking Panginoon, gawin Ninyo na ang lungsod na ito (Makkah) ay maging isang lugar ng kaligtasan at Inyong biyayaan ang nagsisipanirahan dito ng mga bungangkahoy, sa mga katulad nila na sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw. Siya (Allah) ay nagwika: “At sa kanya na hindi sumasampalataya, siya ay pansamantala Kong hahayaan sa pananagana, datapuwa’t hindi magtatagal, siya ay Aking itataboy sa kaparusahan ng Apoy, isang masamang patutunguhan!”
وَإِذْ يَرْفَعُ إِبْرَاهِيمُ الْقَوَاعِدَ مِنَ الْبَيْتِ وَإِسْمَاعِيلُ رَبَّنَا تَقَبَّلْ مِنَّا ۖ إِنَّكَ أَنْتَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ
AtalalahaninnangitindigniAbrahamat Ismailangmga haligi ng Tahanan (na may panikluhod): “Aming Panginoon! Tanggapin Ninyo (ang paglilingkod na ito) mula sa amin. Katotohanang Kayo ang Ganap na Nakakarinig, ang Tigib ng Kaalaman.”
رَبَّنَا وَاجْعَلْنَا مُسْلِمَيْنِ لَكَ وَمِنْ ذُرِّيَّتِنَا أُمَّةً مُسْلِمَةً لَكَ وَأَرِنَا مَنَاسِكَنَا وَتُبْ عَلَيْنَا ۖ إِنَّكَ أَنْتَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ
“Aming Panginoon! Kami ay gawin Ninyong mga Muslim na tumatalima sa Inyong (Kalooban) at gayundin ang aming mga anak (lahi) na tumatalima sa Inyong (Kalooban) at Inyong ipakita sa amin ang mga lugar ng pagdiriwang ng ritwal (sa Hajj at Umrah, atbp.) at Inyong tanggapin ang aming pagsisisi. Katotohanang Kayo ang Tanging Isa na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaawain”
رَبَّنَا وَابْعَثْ فِيهِمْ رَسُولًا مِنْهُمْ يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِكَ وَيُعَلِّمُهُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَيُزَكِّيهِمْ ۚ إِنَّكَ أَنْتَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
“Aming Panginoon! Isugo Ninyo sa kanila ang isang Tagapagbalita na mula sa kanila (at katiyakang si Allah ay duminig sa kanilang panawagan sa Kanyang pagsusugo kay Muhammad), na magpapahayag sa kanila ng Inyong mga Talata (kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.) at magtuturo sa kanila ng Kasulatan (ang Qur’an) at Al-Hikma (Ganap na Karunungan sa Batas Islamiko, Paghatol at Pagpapasya, pagka-Propeta, atbp.), at Inyong dalisayin sila, sapagkat Kayo lamang ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Lubos na Maalam”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
