Surah Al-Baqara Ayahs #123 Translated in Filipino
إِنَّا أَرْسَلْنَاكَ بِالْحَقِّ بَشِيرًا وَنَذِيرًا ۖ وَلَا تُسْأَلُ عَنْ أَصْحَابِ الْجَحِيمِ
Tunay ngang ikaw (O Muhammad) ay isinugo Namin sa Katotohanan (alalaong baga, ang Islam) bilang tagapagdala ng magandang balita (ang mga sasampalataya sa iyong dinala ay papasok sa Paraiso) at isang Tagapagbabala (ang mga hindi sasampalataya sa iyong dinala ay papasok sa Impiyerno) ; at ikaw ay hindi tatanungin tungkol sa mga magsisipanirahan sa Naglalagablab na Apoy
وَلَنْ تَرْضَىٰ عَنْكَ الْيَهُودُ وَلَا النَّصَارَىٰ حَتَّىٰ تَتَّبِعَ مِلَّتَهُمْ ۗ قُلْ إِنَّ هُدَى اللَّهِ هُوَ الْهُدَىٰ ۗ وَلَئِنِ اتَّبَعْتَ أَهْوَاءَهُمْ بَعْدَ الَّذِي جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ ۙ مَا لَكَ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ
Kailanman, ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay hindi masisiyahan sa iyo (O Muhammad) malibang iyong sundin ang paraan ng kanilang pananampalataya. Ipagbadya: “Katotohanan, ang Patnubay ni Allah (ang Islam), ito lamang ang (tanging) patnubay.” At kung ikaw (o Muhammad) ay susunod sa kanilang nais, pagkaraan na iyong matanggap ang Karunungan (ang Qur’an), kung magkagayon, ikaw ay hindi makakatagpo ng anumang Wali (Tagapangalaga o Kawaksi) laban kay Allah
الَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يَتْلُونَهُ حَقَّ تِلَاوَتِهِ أُولَٰئِكَ يُؤْمِنُونَ بِهِ ۗ وَمَنْ يَكْفُرْ بِهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ
Ang mga biniyayaan Namin ng Aklat (Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) ay nag-aaral nito (ang Qur’an) sa paraang nararapat na pag-aaral (alalaong baga, dumadalit nito at sumusunod sa [kanyang] pag-uutos at mga aral); sila ang mga nagsisisampalataya rito. At ang mga magtatakwil ng pananalig dito (sa Qur’an), sasakanila ang pagkatalo
يَا بَنِي إِسْرَائِيلَ اذْكُرُوا نِعْمَتِيَ الَّتِي أَنْعَمْتُ عَلَيْكُمْ وَأَنِّي فَضَّلْتُكُمْ عَلَى الْعَالَمِينَ
o Angkan ng Israel! Alalahanin ninyo ang Aking Biyaya na ipinagkaloob sa inyo at kayo ay Aking higit na pinahalagahan kaysa sa ibang mga nilalang (ng inyong kapanahunan na lumipas)
وَاتَّقُوا يَوْمًا لَا تَجْزِي نَفْسٌ عَنْ نَفْسٍ شَيْئًا وَلَا يُقْبَلُ مِنْهَا عَدْلٌ وَلَا تَنْفَعُهَا شَفَاعَةٌ وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ
At inyong pangambahan ang Takdang Araw (ng Paghuhukom), na walang isa mang kaluluwa ang makakaasa sa iba, gayundin ang bayad ay hindi tatanggapin sa kanya, gayundin ang pamamagitan ay walang saysay sa kanya, gayundin naman, sila ay hindi matutulungan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
