Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #194 Translated in Filipino

فَلَمَّا آتَاهُمَا صَالِحًا جَعَلَا لَهُ شُرَكَاءَ فِيمَا آتَاهُمَا ۚ فَتَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ
Datapuwa’t nang Kanyang binigyan sila ng isang Salih (isang bata na mabuti sa lahat ng bagay), sila ay nag-akibat ng mga katambal (sa pangalan lamang at hindi sa pagsamba) sa Kanya (Allah), sa bagay na Kanyang ipinagkaloob sa kanila. Mataas si Allah, Siya ang Kataas-taasan sa lahat ng kanilang mga itinataguri bilang katambal sa Kanya
أَيُشْرِكُونَ مَا لَا يَخْلُقُ شَيْئًا وَهُمْ يُخْلَقُونَ
Sila baga ay nagtataguri ng mga katambal kay Allah, sa kanila (mga diyus-diyosan) na walang anumang nilikha, bagkus ay sila ang nilikha
وَلَا يَسْتَطِيعُونَ لَهُمْ نَصْرًا وَلَا أَنْفُسَهُمْ يَنْصُرُونَ
walang anumang tulong ang maibibigay nila sa kanila, gayundin naman, ay hindi nila matutulungan ang kanilang sarili
وَإِنْ تَدْعُوهُمْ إِلَى الْهُدَىٰ لَا يَتَّبِعُوكُمْ ۚ سَوَاءٌ عَلَيْكُمْ أَدَعَوْتُمُوهُمْ أَمْ أَنْتُمْ صَامِتُونَ
At kung inyo silang tatawagan tungo sa patnubay, sila ay hindi susunod sa inyo. Ito ay walang pagkakaiba sa inyo kahima’t sila ay inyong tawagin o manatili kayong tahimik
إِنَّ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ عِبَادٌ أَمْثَالُكُمْ ۖ فَادْعُوهُمْ فَلْيَسْتَجِيبُوا لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
Katotohanan, ang inyong pinaninikluhuran na mga iba maliban pa kay Allah ay mga alipin na katulad ninyo. Kaya’t sila ay inyong panikluhuran (mga diyus- diyosan) at hayaang kayo ay sagutin nila, kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan

Choose other languages: