Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #165 Translated in Filipino

وَإِذْ قِيلَ لَهُمُ اسْكُنُوا هَٰذِهِ الْقَرْيَةَ وَكُلُوا مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ وَقُولُوا حِطَّةٌ وَادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا نَغْفِرْ لَكُمْ خَطِيئَاتِكُمْ ۚ سَنَزِيدُ الْمُحْسِنِينَ
At (gunitain) nang ito ay sabihin sa kanila: “Magsipanirahan kayo sa bayang ito (Herusalem) at kumain kayo rito ng anumang inyong maibigan, at magsabi, “(o Allah), patawarin Ninyo ang aming mga kasalanan”; at magsipasok sa tarangkahan na nagpapatirapa (na nakayukod sa kapakumbabaan). Ipatatawad Namin sa inyo ang inyong mga kamalian. Aming pararamihin (ang pabuya) sa mga gumagawa ng kabutihan
فَبَدَّلَ الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْهُمْ قَوْلًا غَيْرَ الَّذِي قِيلَ لَهُمْ فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِجْزًا مِنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَظْلِمُونَ
Datapuwa’t sila na nasa kanilang lipon na gumawa ng kamalian ay nagpalit (bumago) sa salita na ipinangusap sa kanila. Kaya’t Aming ipinadala sa kanila ang isang kaparusahan mula sa langit bilang ganti sa kanilang mga maling gawa
وَاسْأَلْهُمْ عَنِ الْقَرْيَةِ الَّتِي كَانَتْ حَاضِرَةَ الْبَحْرِ إِذْ يَعْدُونَ فِي السَّبْتِ إِذْ تَأْتِيهِمْ حِيتَانُهُمْ يَوْمَ سَبْتِهِمْ شُرَّعًا وَيَوْمَ لَا يَسْبِتُونَ ۙ لَا تَأْتِيهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ نَبْلُوهُمْ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ
At iyong tanungin sila (o Muhammad), tungkol sa bayan na nasa gilid ng dagat. Pagmasdan! Nang sila ay lumabag sa bagay (kautusan) ng Sabbath (Sabado): nang ang isda ay lantarang lumapit sa kanila sa araw ng Sabbath at hindi pumaroon sa kanila sa araw na wala silang Sabbath. Kaya’t sila ay Aming sinubukan sapagkat sila ay naghimagsik (tunghayan ang Qur’an)
وَإِذْ قَالَتْ أُمَّةٌ مِنْهُمْ لِمَ تَعِظُونَ قَوْمًا ۙ اللَّهُ مُهْلِكُهُمْ أَوْ مُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا ۖ قَالُوا مَعْذِرَةً إِلَىٰ رَبِّكُمْ وَلَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ
At nang ang (isang) pamayanan sa lipon nila ay nagsabi: “Bakit kayo nangangaral sa mga tao, na napipintong wasakin ni Allah o parusahan sila ng matinding kaparusahan?” (Ang mga nangangaral) ay nagsabi: “Upang kami ay maging malaya sa kasalanan (o pag-uusig ng budhi) sa harapan ng inyong Panginoon (Allah), at marahil, sila ay magkaroon ng pangangamba kay Allah.”
فَلَمَّا نَسُوا مَا ذُكِّرُوا بِهِ أَنْجَيْنَا الَّذِينَ يَنْهَوْنَ عَنِ السُّوءِ وَأَخَذْنَا الَّذِينَ ظَلَمُوا بِعَذَابٍ بَئِيسٍ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ
Kaya’t nang kanilang malimutan ang paala-ala na ibinigay sa kanila, Aming iniligtas sila na nagbabawal sa kasamaan, datapuwa’t Aming nilagom ang mga gumawa ng kamalian ng isang matinding kaparusahan sapagkat sila ay naghimagsik (sumuway kay Allah)

Choose other languages: