Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #102 Translated in Filipino

إِنَّكُمْ وَمَا تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ حَصَبُ جَهَنَّمَ أَنْتُمْ لَهَا وَارِدُونَ
Katiyakan! Kayo (na hindi sumasampalataya) at gayundin ang inyong mga sinasamba maliban pa kay Allah, ay (wala ng iba) kundi mga panggatong sa Impiyerno! (Katotohanang) kayo ay magsisipasok dito
لَوْ كَانَ هَٰؤُلَاءِ آلِهَةً مَا وَرَدُوهَا ۖ وَكُلٌّ فِيهَا خَالِدُونَ
Kung ang mga (imaheng ito, atbp.) ay naging mga diyos (nga), sila sana ay hindi magsisipasok dito (Impiyerno), [datapuwa’t] silang lahat ay mananatili rito
لَهُمْ فِيهَا زَفِيرٌ وَهُمْ فِيهَا لَا يَسْمَعُونَ
dito sila ay magsisihikbi at magbubuntong-hininga nang malalim at ang paghalinghing ang kanilang daranasin, at sila rito ay hindi makakarinig
إِنَّ الَّذِينَ سَبَقَتْ لَهُمْ مِنَّا الْحُسْنَىٰ أُولَٰئِكَ عَنْهَا مُبْعَدُونَ
Katotohanang sila na ang kabutihan ay nanggaling sa Amin, sila ay ilalayo rito (Impiyerno, [katulad ni Hesus na anak ni Maria, Ezra, atbp)
لَا يَسْمَعُونَ حَسِيسَهَا ۖ وَهُمْ فِي مَا اشْتَهَتْ أَنْفُسُهُمْ خَالِدُونَ
Hindi nila mapapakinggan ang pinakamaliit na ingay nito (Impiyerno), habang sila ay nananahan sa lugar ng (anumang) naisin ng kanilang sarili

Choose other languages: