Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #104 Translated in Filipino

لَهُمْ فِيهَا زَفِيرٌ وَهُمْ فِيهَا لَا يَسْمَعُونَ
dito sila ay magsisihikbi at magbubuntong-hininga nang malalim at ang paghalinghing ang kanilang daranasin, at sila rito ay hindi makakarinig
إِنَّ الَّذِينَ سَبَقَتْ لَهُمْ مِنَّا الْحُسْنَىٰ أُولَٰئِكَ عَنْهَا مُبْعَدُونَ
Katotohanang sila na ang kabutihan ay nanggaling sa Amin, sila ay ilalayo rito (Impiyerno, [katulad ni Hesus na anak ni Maria, Ezra, atbp)
لَا يَسْمَعُونَ حَسِيسَهَا ۖ وَهُمْ فِي مَا اشْتَهَتْ أَنْفُسُهُمْ خَالِدُونَ
Hindi nila mapapakinggan ang pinakamaliit na ingay nito (Impiyerno), habang sila ay nananahan sa lugar ng (anumang) naisin ng kanilang sarili
لَا يَحْزُنُهُمُ الْفَزَعُ الْأَكْبَرُ وَتَتَلَقَّاهُمُ الْمَلَائِكَةُ هَٰذَا يَوْمُكُمُ الَّذِي كُنْتُمْ تُوعَدُونَ
Ang Pinakamalaking Sindak (sa Araw ng Muling Pagkabuhay) ay hindi magbibigay hapis sa kanila, at ang mga anghel ay sasalubong sa kanila (na may pagbati): “Ito ang inyong Araw na sa inyo ay ipinangako.”
يَوْمَ نَطْوِي السَّمَاءَ كَطَيِّ السِّجِلِّ لِلْكُتُبِ ۚ كَمَا بَدَأْنَا أَوَّلَ خَلْقٍ نُعِيدُهُ ۚ وَعْدًا عَلَيْنَا ۚ إِنَّا كُنَّا فَاعِلِينَ
At (alalahanin) ang Araw na Aming babalunbunin ang kalangitan na tulad ng papel na nakabalunbon para sa mga aklat, at (kung paano) Namin sinimulan ang unang paglikha, Aming panunumbalikin itong muli, (ito) ay pangako na Aming tutuparin sa inyo. Katotohanang Aming tutuparin ito

Choose other languages: