Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #163 Translated in Filipino

إِنَّ الَّذِينَ فَرَّقُوا دِينَهُمْ وَكَانُوا شِيَعًا لَسْتَ مِنْهُمْ فِي شَيْءٍ ۚ إِنَّمَا أَمْرُهُمْ إِلَى اللَّهِ ثُمَّ يُنَبِّئُهُمْ بِمَا كَانُوا يَفْعَلُونَ
Katotohanan, ang mga nagbabaha-bahagi ng kanilang pananampalataya at naghihiwalay sa maraming mga sekta (lahat ng uri ng sekta ng pananampalataya), ikaw (o Muhammad) ay walang anumang kaugnayan sa mga ito kahit na katiting. Ang kanilang ginagawa (mga pangyayari) ay nasa (kaalaman) lamang ni Allah, na Siyang magsasabi sa kanila kung ano ang kanilang ginawa
مَنْ جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ عَشْرُ أَمْثَالِهَا ۖ وَمَنْ جَاءَ بِالسَّيِّئَةِ فَلَا يُجْزَىٰ إِلَّا مِثْلَهَا وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ
Sinuman ang magdala ng isang mabuting gawa (paniniwala sa Kaisahan ni Allah at pagsunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita) ay magkakaroon ng sampung ulit na katumbas nito (tungo) sa kanyang kapakinabangan, at sinuman ang magdala ng isang masamang gawa (paniniwala sa diyus-diyosan, kawalan ng pananalig, pagkukunwari, at gawa ng pagsuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita) ay magkakaroon lamang ng isang katumbas nito, at sila ay hindi mawawalan ng katarungan
قُلْ إِنَّنِي هَدَانِي رَبِّي إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ دِينًا قِيَمًا مِلَّةَ إِبْرَاهِيمَ حَنِيفًا ۚ وَمَا كَانَ مِنَ الْمُشْرِكِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Katotohanan, ang aking Panginoon ay namatnubay sa akin sa tuwid na landas, isang tuwid na pananampalataya, ang pananampalataya ni Abraham, na Hanifan (ang paniniwala sa Kaisahan ni Allah at wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya [Allah]), at siya kailanman ay hindi napabilang sa lipon ng mga sumamba sa iba maliban pa kay Allah.”
قُلْ إِنَّ صَلَاتِي وَنُسُكِي وَمَحْيَايَ وَمَمَاتِي لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ
Ipagbadya (O Muhammad): “Katotohanan, ang aking dalangin, ang aking pagtitiis, ang aking pamumuhay, ang aking pagkamatay ay para kay Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang.”
لَا شَرِيكَ لَهُ ۖ وَبِذَٰلِكَ أُمِرْتُ وَأَنَا أَوَّلُ الْمُسْلِمِينَ
Siya ay walang katambal. At sa bagay na ito, ako ay pinag-utusan, at ako ang una sa mga Muslim

Choose other languages: