Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #165 Translated in Filipino

قُلْ إِنَّنِي هَدَانِي رَبِّي إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ دِينًا قِيَمًا مِلَّةَ إِبْرَاهِيمَ حَنِيفًا ۚ وَمَا كَانَ مِنَ الْمُشْرِكِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Katotohanan, ang aking Panginoon ay namatnubay sa akin sa tuwid na landas, isang tuwid na pananampalataya, ang pananampalataya ni Abraham, na Hanifan (ang paniniwala sa Kaisahan ni Allah at wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya [Allah]), at siya kailanman ay hindi napabilang sa lipon ng mga sumamba sa iba maliban pa kay Allah.”
قُلْ إِنَّ صَلَاتِي وَنُسُكِي وَمَحْيَايَ وَمَمَاتِي لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ
Ipagbadya (O Muhammad): “Katotohanan, ang aking dalangin, ang aking pagtitiis, ang aking pamumuhay, ang aking pagkamatay ay para kay Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang.”
لَا شَرِيكَ لَهُ ۖ وَبِذَٰلِكَ أُمِرْتُ وَأَنَا أَوَّلُ الْمُسْلِمِينَ
Siya ay walang katambal. At sa bagay na ito, ako ay pinag-utusan, at ako ang una sa mga Muslim
قُلْ أَغَيْرَ اللَّهِ أَبْغِي رَبًّا وَهُوَ رَبُّ كُلِّ شَيْءٍ ۚ وَلَا تَكْسِبُ كُلُّ نَفْسٍ إِلَّا عَلَيْهَا ۚ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمْ مَرْجِعُكُمْ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ
Ipagbadya: “Ako baga’y maghahanap ng isang Panginoon na iba pa kay Allah, samantalang Siya ang Panginoon ng lahat ng bagay? walang sinumang tao ang magkakamit ng anumang (kasalanan) maliban na ito ay sa kanya (lamang) nakaukol (may pananagutan), at walang sinumang may dala ng mga pasanin ang magdadala ng pasanin ng iba. At sa huli, sa inyong Panginoon ang inyong pagbabalik, at Kanyang ipapaalam sa inyo ang mga bagay na hindi ninyo pinagkakasunduan.”
وَهُوَ الَّذِي جَعَلَكُمْ خَلَائِفَ الْأَرْضِ وَرَفَعَ بَعْضَكُمْ فَوْقَ بَعْضٍ دَرَجَاتٍ لِيَبْلُوَكُمْ فِي مَا آتَاكُمْ ۗ إِنَّ رَبَّكَ سَرِيعُ الْعِقَابِ وَإِنَّهُ لَغَفُورٌ رَحِيمٌ
At Siya ang gumawa sa inyo sa maraming sali’t saling lahi, na nagpapalit sa bawat isa (sa mga henerasyon) sa kalupaan. At kayo ay Kanyang itinaas sa maraming antas, ang ilan ay nakakaangat sa iba, upang kayo ay Kanyang masubukan sa mga bagay na ipinagkaloob Niya sa inyo. Katiyakan, ang inyong Panginoon ay maagap sa pagganti, at katiyakang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

Choose other languages: