Surah Al-Anaam Ayahs #133 Translated in Filipino
وَكَذَٰلِكَ نُوَلِّي بَعْضَ الظَّالِمِينَ بَعْضًا بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
SagayonNaminginawaangZalimun(mgamapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian) bilang Auliya (tagapagtaguyod at kapanalig) ng bawat isa (sa kanila sa paggawa ng krimen, atbp.), dahilan sa kanilang mga ginawa
يَا مَعْشَرَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ أَلَمْ يَأْتِكُمْ رُسُلٌ مِنْكُمْ يَقُصُّونَ عَلَيْكُمْ آيَاتِي وَيُنْذِرُونَكُمْ لِقَاءَ يَوْمِكُمْ هَٰذَا ۚ قَالُوا شَهِدْنَا عَلَىٰ أَنْفُسِنَا ۖ وَغَرَّتْهُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا وَشَهِدُوا عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ أَنَّهُمْ كَانُوا كَافِرِينَ
O kayong lipon ng mga Jinn, at Sangkatauhan! “Hindi baga dumatal sa inyo ang mga Tagapagbalita sa gitna ninyo, na dumadalit sa inyo ng Aking mga Talata at nagbababala sa inyo ng pakikipagtipan sa Araw na ito na inyong (araw)?” Sila ay mangungusap: “Kami ay nagpapatotoo laban sa aming sarili.” Ang buhay sa mundong ito ang luminlang sa kanila. At sila ang magpapatotoo laban sa kanilang sarili na sila ay hindi mga nananampalataya
ذَٰلِكَ أَنْ لَمْ يَكُنْ رَبُّكَ مُهْلِكَ الْقُرَىٰ بِظُلْمٍ وَأَهْلُهَا غَافِلُونَ
Ito’y sa dahilang ang inyong Panginoon ay hindi magwawasak ng (pamayanan) ng mga bayan dahilan sa kanilang mga maling gawa (alalaong baga, pagtatambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah), hangga’t ang kanilang pamayanan ay walang kaalaman (kaya nga’t ang mga Tagapagbalita ay isinugo)
وَلِكُلٍّ دَرَجَاتٌ مِمَّا عَمِلُوا ۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَافِلٍ عَمَّا يَعْمَلُونَ
At para sa lahat ay mayroong antas (o ranggo) na naaayon sa kanilang ginawa. At ang inyong Panginoon ang nakakaalam ng kanilang ginagawa
وَرَبُّكَ الْغَنِيُّ ذُو الرَّحْمَةِ ۚ إِنْ يَشَأْ يُذْهِبْكُمْ وَيَسْتَخْلِفْ مِنْ بَعْدِكُمْ مَا يَشَاءُ كَمَا أَنْشَأَكُمْ مِنْ ذُرِّيَّةِ قَوْمٍ آخَرِينَ
At ang inyong Panginoon ay Masagana (hindi nangangailangan ng anupaman), ang Tigib ng Habag; kung Kanyang naisin, kayo ay Kanyang mawawasak, at sa halip ninyo ay makakagawa Siya ng papalit sa inyo kung Kanyang nanaisin, dahilan sa kayo ay itinindig Niya mula sa binhi ng ibang mga tao
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
