Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #136 Translated in Filipino

وَلِكُلٍّ دَرَجَاتٌ مِمَّا عَمِلُوا ۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَافِلٍ عَمَّا يَعْمَلُونَ
At para sa lahat ay mayroong antas (o ranggo) na naaayon sa kanilang ginawa. At ang inyong Panginoon ang nakakaalam ng kanilang ginagawa
وَرَبُّكَ الْغَنِيُّ ذُو الرَّحْمَةِ ۚ إِنْ يَشَأْ يُذْهِبْكُمْ وَيَسْتَخْلِفْ مِنْ بَعْدِكُمْ مَا يَشَاءُ كَمَا أَنْشَأَكُمْ مِنْ ذُرِّيَّةِ قَوْمٍ آخَرِينَ
At ang inyong Panginoon ay Masagana (hindi nangangailangan ng anupaman), ang Tigib ng Habag; kung Kanyang naisin, kayo ay Kanyang mawawasak, at sa halip ninyo ay makakagawa Siya ng papalit sa inyo kung Kanyang nanaisin, dahilan sa kayo ay itinindig Niya mula sa binhi ng ibang mga tao
إِنَّ مَا تُوعَدُونَ لَآتٍ ۖ وَمَا أَنْتُمْ بِمُعْجِزِينَ
Katotohanan, ang ipinangako sa inyo ay katiyakang magaganap, at kayo ay hindi makakatakas (sa kaparusahan ni Allah)
قُلْ يَا قَوْمِ اعْمَلُوا عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنِّي عَامِلٌ ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ مَنْ تَكُونُ لَهُ عَاقِبَةُ الدَّارِ ۗ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الظَّالِمُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “o aking pamayanan! Magsigawa kayo ng ayon sa inyong paraan, katiyakang ako rin ay gumagawa (sa aking paraan), at inyong mapag-aalaman kung sino sa atin ang magiging (maligaya) sa katapusan sa Kabilang Buhay. Katiyakan, ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kabuktutan) ay hindi magtatagumpay
وَجَعَلُوا لِلَّهِ مِمَّا ذَرَأَ مِنَ الْحَرْثِ وَالْأَنْعَامِ نَصِيبًا فَقَالُوا هَٰذَا لِلَّهِ بِزَعْمِهِمْ وَهَٰذَا لِشُرَكَائِنَا ۖ فَمَا كَانَ لِشُرَكَائِهِمْ فَلَا يَصِلُ إِلَى اللَّهِ ۖ وَمَا كَانَ لِلَّهِ فَهُوَ يَصِلُ إِلَىٰ شُرَكَائِهِمْ ۗ سَاءَ مَا يَحْكُمُونَ
At mula sa mga bagay na masaganang nilikha ni Allah sa lupang sakahan at sa mga bakahan, ay nagtalaga sila sa Kanya ng kahati (sa pagsamba), at sila ay nagsabi: “Ito ay para kay Allah ayon sa kanilang pagkukunwari at ito ay para sa aming (mga tinatawag) na mga katambal (ni Allah).” Datapuwa’t ang kahati na kanilang (tinatawag) na mga katambal (ni Allah) ay hindi nakakarating kay Allah, datapuwa’t yaong kahati ni Allah ay nakakaabot sa kanilang (tinatawag) na mga katambal ni Allah! Kasamaan ang kanilang paraan ng paghatol

Choose other languages: