Surah Al-Anaam Ayahs #139 Translated in Filipino
قُلْ يَا قَوْمِ اعْمَلُوا عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنِّي عَامِلٌ ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ مَنْ تَكُونُ لَهُ عَاقِبَةُ الدَّارِ ۗ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الظَّالِمُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “o aking pamayanan! Magsigawa kayo ng ayon sa inyong paraan, katiyakang ako rin ay gumagawa (sa aking paraan), at inyong mapag-aalaman kung sino sa atin ang magiging (maligaya) sa katapusan sa Kabilang Buhay. Katiyakan, ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kabuktutan) ay hindi magtatagumpay
وَجَعَلُوا لِلَّهِ مِمَّا ذَرَأَ مِنَ الْحَرْثِ وَالْأَنْعَامِ نَصِيبًا فَقَالُوا هَٰذَا لِلَّهِ بِزَعْمِهِمْ وَهَٰذَا لِشُرَكَائِنَا ۖ فَمَا كَانَ لِشُرَكَائِهِمْ فَلَا يَصِلُ إِلَى اللَّهِ ۖ وَمَا كَانَ لِلَّهِ فَهُوَ يَصِلُ إِلَىٰ شُرَكَائِهِمْ ۗ سَاءَ مَا يَحْكُمُونَ
At mula sa mga bagay na masaganang nilikha ni Allah sa lupang sakahan at sa mga bakahan, ay nagtalaga sila sa Kanya ng kahati (sa pagsamba), at sila ay nagsabi: “Ito ay para kay Allah ayon sa kanilang pagkukunwari at ito ay para sa aming (mga tinatawag) na mga katambal (ni Allah).” Datapuwa’t ang kahati na kanilang (tinatawag) na mga katambal (ni Allah) ay hindi nakakarating kay Allah, datapuwa’t yaong kahati ni Allah ay nakakaabot sa kanilang (tinatawag) na mga katambal ni Allah! Kasamaan ang kanilang paraan ng paghatol
وَكَذَٰلِكَ زَيَّنَ لِكَثِيرٍ مِنَ الْمُشْرِكِينَ قَتْلَ أَوْلَادِهِمْ شُرَكَاؤُهُمْ لِيُرْدُوهُمْ وَلِيَلْبِسُوا عَلَيْهِمْ دِينَهُمْ ۖ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا فَعَلُوهُ ۖ فَذَرْهُمْ وَمَا يَفْتَرُونَ
Kahit na nga, sa paningin ng karamihan sa Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, atbp.), ang kanilang (tinatawag) na mga katambal (ni Allah) ay ginawa na maging kalugod-lugod sa kanila ang pagpatay sa kanilang mga anak, upang sila ay humantong sa kanilang sariling pagkawasak at magbigay ng kalituhan sa kanilang pananampalataya. At kung ninais lamang ni Allah, ito ay hindi sana nila magagawa. Kaya’t sila ay iwanan ninyo na nag-iisa sa kanilang kabulaanan
وَقَالُوا هَٰذِهِ أَنْعَامٌ وَحَرْثٌ حِجْرٌ لَا يَطْعَمُهَا إِلَّا مَنْ نَشَاءُ بِزَعْمِهِمْ وَأَنْعَامٌ حُرِّمَتْ ظُهُورُهَا وَأَنْعَامٌ لَا يَذْكُرُونَ اسْمَ اللَّهِ عَلَيْهَا افْتِرَاءً عَلَيْهِ ۚ سَيَجْزِيهِمْ بِمَا كَانُوا يَفْتَرُونَ
At ayon sa kanilang pagkukunwari, sila ay nagsasabi na ang gayo’t gayong bakahan at pananim ay ipinagbabawal, at walang sinuman ang marapat na kumain ng mga ito maliban lamang sa aming pinahihintulutan. At (sila ay nagsasabi) na may mga bakahan na ipinagbabawal na gamitin para sa paghila (ng mga dala-dalahan) o anumang ibang gawain, at bakahan na (nang kinakatay ang mga ito), ang Ngalan ni Allah ay hindi inusal; na nagsisinungaling nang laban sa Kanya (Allah). Sila ay Kanyang babayaran sa kanilang gawa ng kabulaanan
وَقَالُوا مَا فِي بُطُونِ هَٰذِهِ الْأَنْعَامِ خَالِصَةٌ لِذُكُورِنَا وَمُحَرَّمٌ عَلَىٰ أَزْوَاجِنَا ۖ وَإِنْ يَكُنْ مَيْتَةً فَهُمْ فِيهِ شُرَكَاءُ ۚ سَيَجْزِيهِمْ وَصْفَهُمْ ۚ إِنَّهُ حَكِيمٌ عَلِيمٌ
At sila ay nagsasabi: “Kung ano ang nasa sinapupunan (tiyan) ng gayon at gayong bakahan (gatas o bakang nabuo sa sinapupunan), ito ay para sa aming kalalakihan lamang, at ipinagbabawal sa aming kababaihan (bata at matanda), datapuwa’t kung ito ay patay nang ipanganak, kung gayon, ang lahat ay may kabahagi rito.” Siya (Allah) ay magpaparusa sa kanila, dahilan sa kanilang pag-aakibat (ng gayong maling pag-uutos kay Allah). Katotohanang Siya ang Kapaham-pahaman, ang Tigib ng Karunungan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
