Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #108 Translated in Filipino

قَدْ جَاءَكُمْ بَصَائِرُ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ فَمَنْ أَبْصَرَ فَلِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ عَمِيَ فَعَلَيْهَا ۚ وَمَا أَنَا عَلَيْكُمْ بِحَفِيظٍ
Katotohanan, ang mga Katibayan ay dumatal sa inyo mula sa inyong Panginoon, kaya’t sinuman ang makamalas at magsagawa nito (ay para sa kapakanan) ng kanyang sarili, at sinuman ang maghatid ng pagkabulag sa kanyang sarili ay nagsasagawa nito sa kanyang sariling kapahamakan, at ako (Muhammad) ay hindi tagapagbantay sa inyo
وَكَذَٰلِكَ نُصَرِّفُ الْآيَاتِ وَلِيَقُولُوا دَرَسْتَ وَلِنُبَيِّنَهُ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ
Kaya’t sa ganito Namin ipinapaliwanag ang mga Talata sa masusing paraan upang sila (na hindi sumasampalataya) ay mangusap: “Kayo ay nagsipag-aral (ng mga Aklat ng Angkan ng Kasulatan at inyong kinuha mula rito ang Qur’an)”, at upang magawa Namin ang mga bagay-bagay na maging maliwanag sa mga tao na may karunungan
اتَّبِعْ مَا أُوحِيَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ وَأَعْرِضْ عَنِ الْمُشْرِكِينَ
Sundin mo kung ano ang ipinahayag sa iyo (o Muhammad) mula sa iyong Panginoon. La ilaha illa Huwa (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), at lumayo kayo sa kanila na nagtatambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah
وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا أَشْرَكُوا ۗ وَمَا جَعَلْنَاكَ عَلَيْهِمْ حَفِيظًا ۖ وَمَا أَنْتَ عَلَيْهِمْ بِوَكِيلٍ
Kung ninais lamang ni Allah, hindi nila magagawa na mag-akibat pa ng iba sa pagsamba maliban pa kay Allah. At ikaw ay hindi Namin ginawa na kanilang tagapagbantay, gayundin, ikaw ay hindi itinalaga sa kanila upang pamahalaan ang kanilang ginagawa
وَلَا تَسُبُّوا الَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ فَيَسُبُّوا اللَّهَ عَدْوًا بِغَيْرِ عِلْمٍ ۗ كَذَٰلِكَ زَيَّنَّا لِكُلِّ أُمَّةٍ عَمَلَهُمْ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّهِمْ مَرْجِعُهُمْ فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
At huwag ninyong insultuhin yaong sinasamba (ng mga hindi nananampalataya) maliban pa kay Allah, baka (ang mangyari) ay kanilang insultuhin si Allah sa kamalian dahilan sa kawalan nila ng kaalaman. Kaya’t ginawa Naming kalugod-lugod sa bawat tao ang kanyang sariling gawain; at sa kanilang Panginoon ang kanilang pagbabalik at Siya ang magpapahayag sa kanilang lahat ng kanilang ginawa

Choose other languages: