Surah Al-Anaam Ayahs #110 Translated in Filipino
اتَّبِعْ مَا أُوحِيَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ وَأَعْرِضْ عَنِ الْمُشْرِكِينَ
Sundin mo kung ano ang ipinahayag sa iyo (o Muhammad) mula sa iyong Panginoon. La ilaha illa Huwa (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), at lumayo kayo sa kanila na nagtatambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah
وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا أَشْرَكُوا ۗ وَمَا جَعَلْنَاكَ عَلَيْهِمْ حَفِيظًا ۖ وَمَا أَنْتَ عَلَيْهِمْ بِوَكِيلٍ
Kung ninais lamang ni Allah, hindi nila magagawa na mag-akibat pa ng iba sa pagsamba maliban pa kay Allah. At ikaw ay hindi Namin ginawa na kanilang tagapagbantay, gayundin, ikaw ay hindi itinalaga sa kanila upang pamahalaan ang kanilang ginagawa
وَلَا تَسُبُّوا الَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ فَيَسُبُّوا اللَّهَ عَدْوًا بِغَيْرِ عِلْمٍ ۗ كَذَٰلِكَ زَيَّنَّا لِكُلِّ أُمَّةٍ عَمَلَهُمْ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّهِمْ مَرْجِعُهُمْ فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
At huwag ninyong insultuhin yaong sinasamba (ng mga hindi nananampalataya) maliban pa kay Allah, baka (ang mangyari) ay kanilang insultuhin si Allah sa kamalian dahilan sa kawalan nila ng kaalaman. Kaya’t ginawa Naming kalugod-lugod sa bawat tao ang kanyang sariling gawain; at sa kanilang Panginoon ang kanilang pagbabalik at Siya ang magpapahayag sa kanilang lahat ng kanilang ginawa
وَأَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ لَئِنْ جَاءَتْهُمْ آيَةٌ لَيُؤْمِنُنَّ بِهَا ۚ قُلْ إِنَّمَا الْآيَاتُ عِنْدَ اللَّهِ ۖ وَمَا يُشْعِرُكُمْ أَنَّهَا إِذَا جَاءَتْ لَا يُؤْمِنُونَ
At sila ay nanunumpa ng kanilang pinakamatibay na pangako kay Allah, na kapag may dumating sa kanila na isang Tanda, katiyakang dito sila ay sasampalataya. Ipagbadya: “Ang mga Tanda ay natatangi lamang kay Allah, at ano ang magagawa ninyo (mga Muslim) upang matalastas ito (kahit) na nga ito (tanda) ay dumatal, sila ay hindi (rin) mananampalataya?”
وَنُقَلِّبُ أَفْئِدَتَهُمْ وَأَبْصَارَهُمْ كَمَا لَمْ يُؤْمِنُوا بِهِ أَوَّلَ مَرَّةٍ وَنَذَرُهُمْ فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ
At Aming ibabaling ang kanilang puso at kanilang mga mata nang malayo (sa patnubay), dahilan sa kanilang pagtanggi na manalig dito noon pa mang una, at sila ay Aming hahayaan sa kanilang paglabag upang gumala-gala na tila bulag
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
