Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #112 Translated in Filipino

وَلَا تَسُبُّوا الَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ فَيَسُبُّوا اللَّهَ عَدْوًا بِغَيْرِ عِلْمٍ ۗ كَذَٰلِكَ زَيَّنَّا لِكُلِّ أُمَّةٍ عَمَلَهُمْ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّهِمْ مَرْجِعُهُمْ فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
At huwag ninyong insultuhin yaong sinasamba (ng mga hindi nananampalataya) maliban pa kay Allah, baka (ang mangyari) ay kanilang insultuhin si Allah sa kamalian dahilan sa kawalan nila ng kaalaman. Kaya’t ginawa Naming kalugod-lugod sa bawat tao ang kanyang sariling gawain; at sa kanilang Panginoon ang kanilang pagbabalik at Siya ang magpapahayag sa kanilang lahat ng kanilang ginawa
وَأَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ لَئِنْ جَاءَتْهُمْ آيَةٌ لَيُؤْمِنُنَّ بِهَا ۚ قُلْ إِنَّمَا الْآيَاتُ عِنْدَ اللَّهِ ۖ وَمَا يُشْعِرُكُمْ أَنَّهَا إِذَا جَاءَتْ لَا يُؤْمِنُونَ
At sila ay nanunumpa ng kanilang pinakamatibay na pangako kay Allah, na kapag may dumating sa kanila na isang Tanda, katiyakang dito sila ay sasampalataya. Ipagbadya: “Ang mga Tanda ay natatangi lamang kay Allah, at ano ang magagawa ninyo (mga Muslim) upang matalastas ito (kahit) na nga ito (tanda) ay dumatal, sila ay hindi (rin) mananampalataya?”
وَنُقَلِّبُ أَفْئِدَتَهُمْ وَأَبْصَارَهُمْ كَمَا لَمْ يُؤْمِنُوا بِهِ أَوَّلَ مَرَّةٍ وَنَذَرُهُمْ فِي طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُونَ
At Aming ibabaling ang kanilang puso at kanilang mga mata nang malayo (sa patnubay), dahilan sa kanilang pagtanggi na manalig dito noon pa mang una, at sila ay Aming hahayaan sa kanilang paglabag upang gumala-gala na tila bulag
وَلَوْ أَنَّنَا نَزَّلْنَا إِلَيْهِمُ الْمَلَائِكَةَ وَكَلَّمَهُمُ الْمَوْتَىٰ وَحَشَرْنَا عَلَيْهِمْ كُلَّ شَيْءٍ قُبُلًا مَا كَانُوا لِيُؤْمِنُوا إِلَّا أَنْ يَشَاءَ اللَّهُ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ يَجْهَلُونَ
At kahit na Kami ay magpapanaog sa kanila ng mga anghel, at ang patay ay mangusap sa kanila, at Aming tipunin nang sama-sama ang lahat ng bagay sa harapan ng kanilang paningin, sila ay hindi magsisipaniwala maliban na pahintulutan ni Allah, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay nag-asal ng walang kamuwangan
وَكَذَٰلِكَ جَعَلْنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوًّا شَيَاطِينَ الْإِنْسِ وَالْجِنِّ يُوحِي بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ زُخْرُفَ الْقَوْلِ غُرُورًا ۚ وَلَوْ شَاءَ رَبُّكَ مَا فَعَلُوهُ ۖ فَذَرْهُمْ وَمَا يَفْتَرُونَ
Kaya’t Kami ay nagtalaga sa bawat isang Propeta ng isang kaaway, – mga demonyo sa lipon ng sangkatauhan at mga Jinn, na nagtatagubilin sa bawat isa ng mabubulaklak na pananalita bilang isang pagliligaw (o isang paraan ng panlilinlang). Kung ninais lamang ng inyong Panginoon, sila ay hindi gagawa ng mga gayon, kaya’t sila ay hayaan ninyo sa kanilang mga kabulaanan

Choose other languages: