Quran Apps in many lanuages:

Surah Fatir Ayahs #4 Translated in Filipino

الْحَمْدُ لِلَّهِ فَاطِرِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ جَاعِلِ الْمَلَائِكَةِ رُسُلًا أُولِي أَجْنِحَةٍ مَثْنَىٰ وَثُلَاثَ وَرُبَاعَ ۚ يَزِيدُ فِي الْخَلْقِ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Ang lahat ng pagluwalhati at pasasalamat ay kay Allah, ang (tanging) Nagpasimula ng Paglikha (Tanging Manlilikha) sa kalangitan at kalupaan, na lumikha sa mga anghel na tagapagbalita ng may pakpak,- dalawa o tatlo o apat (na magkakatambal). Siya ang nagdaragdag sa paglikha sa anumang Kanyang maibigan. Katotohanang Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay
مَا يَفْتَحِ اللَّهُ لِلنَّاسِ مِنْ رَحْمَةٍ فَلَا مُمْسِكَ لَهَا ۖ وَمَا يُمْسِكْ فَلَا مُرْسِلَ لَهُ مِنْ بَعْدِهِ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Anumang maibigan ni Allah mula sa Kanyang Habag (Kabutihan), na nais Niyang ipagkaloob sa sangkatauhan, walang sinuman ang makakahadlang; at anumang Kanyang hadlangan, walang sinuman ang makapagkakaloob (liban sa Kanya); at Siya ang Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan
يَا أَيُّهَا النَّاسُ اذْكُرُوا نِعْمَتَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ ۚ هَلْ مِنْ خَالِقٍ غَيْرُ اللَّهِ يَرْزُقُكُمْ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۚ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ فَأَنَّىٰ تُؤْفَكُونَ
o sangkatauhan! Alalahanin ninyo ang mga biyaya ni Allah na ipinagkaloob sa inyo! Mayroon pa bang ibang Manlilikha maliban kay Allah ang makapagbibigay sa inyo mula sa alapaap ng panustos (na ulan) at sa kalupaan? La ilaha ill Allah (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Bakit kayo lumalayo (sa Kanya)
وَإِنْ يُكَذِّبُوكَ فَقَدْ كُذِّبَتْ رُسُلٌ مِنْ قَبْلِكَ ۚ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ
At kung ikaw (o Muhammad) ay kanilang itakwil, na kagaya rin ng mga Tagapagbalita na nauna sa iyo; ang lahat ng mga pangyayari ay kay Allah magbabalik (upang pagpasyahan)

Choose other languages: