Quran Apps in many lanuages:

Surah Fatir Ayahs #6 Translated in Filipino

مَا يَفْتَحِ اللَّهُ لِلنَّاسِ مِنْ رَحْمَةٍ فَلَا مُمْسِكَ لَهَا ۖ وَمَا يُمْسِكْ فَلَا مُرْسِلَ لَهُ مِنْ بَعْدِهِ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Anumang maibigan ni Allah mula sa Kanyang Habag (Kabutihan), na nais Niyang ipagkaloob sa sangkatauhan, walang sinuman ang makakahadlang; at anumang Kanyang hadlangan, walang sinuman ang makapagkakaloob (liban sa Kanya); at Siya ang Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan
يَا أَيُّهَا النَّاسُ اذْكُرُوا نِعْمَتَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ ۚ هَلْ مِنْ خَالِقٍ غَيْرُ اللَّهِ يَرْزُقُكُمْ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۚ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ فَأَنَّىٰ تُؤْفَكُونَ
o sangkatauhan! Alalahanin ninyo ang mga biyaya ni Allah na ipinagkaloob sa inyo! Mayroon pa bang ibang Manlilikha maliban kay Allah ang makapagbibigay sa inyo mula sa alapaap ng panustos (na ulan) at sa kalupaan? La ilaha ill Allah (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Bakit kayo lumalayo (sa Kanya)
وَإِنْ يُكَذِّبُوكَ فَقَدْ كُذِّبَتْ رُسُلٌ مِنْ قَبْلِكَ ۚ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ
At kung ikaw (o Muhammad) ay kanilang itakwil, na kagaya rin ng mga Tagapagbalita na nauna sa iyo; ang lahat ng mga pangyayari ay kay Allah magbabalik (upang pagpasyahan)
يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۖ وَلَا يَغُرَّنَّكُمْ بِاللَّهِ الْغَرُورُ
O sangkatauhan! Katotohanan, ang pangako ni Allah ay tunay, kaya’t huwag hayaan ang pangkasalukuyang buhay na ito ay makalinlang sa inyo, at huwag ding hayaan ang Pinunong Manlilinlang (Satanas) ay dumaya sa inyo tungkol kay Allah
إِنَّ الشَّيْطَانَ لَكُمْ عَدُوٌّ فَاتَّخِذُوهُ عَدُوًّا ۚ إِنَّمَا يَدْعُو حِزْبَهُ لِيَكُونُوا مِنْ أَصْحَابِ السَّعِيرِ
Katotohanang si Satanas ay isa ninyong kaaway; kaya’t ituring siya na isang kaaway. Kanya lamang inaanyayahan ang kanyang Hizb (mga tagasunod) upang sila ay magsipanirahan sa Naglalagablab na Apoy

Choose other languages: