Surah Fatir Ayahs #9 Translated in Filipino
يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۖ وَلَا يَغُرَّنَّكُمْ بِاللَّهِ الْغَرُورُ
O sangkatauhan! Katotohanan, ang pangako ni Allah ay tunay, kaya’t huwag hayaan ang pangkasalukuyang buhay na ito ay makalinlang sa inyo, at huwag ding hayaan ang Pinunong Manlilinlang (Satanas) ay dumaya sa inyo tungkol kay Allah
إِنَّ الشَّيْطَانَ لَكُمْ عَدُوٌّ فَاتَّخِذُوهُ عَدُوًّا ۚ إِنَّمَا يَدْعُو حِزْبَهُ لِيَكُونُوا مِنْ أَصْحَابِ السَّعِيرِ
Katotohanang si Satanas ay isa ninyong kaaway; kaya’t ituring siya na isang kaaway. Kanya lamang inaanyayahan ang kanyang Hizb (mga tagasunod) upang sila ay magsipanirahan sa Naglalagablab na Apoy
الَّذِينَ كَفَرُوا لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ ۖ وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ كَبِيرٌ
Sa mga nagtatakwil kay Allah, sila ay may kabayaran ng kasakit- sakit na kaparusahan, datapuwa’t sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan ay (may kapalit) na kapatawaran at kamangha- manghang gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso)
أَفَمَنْ زُيِّنَ لَهُ سُوءُ عَمَلِهِ فَرَآهُ حَسَنًا ۖ فَإِنَّ اللَّهَ يُضِلُّ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۖ فَلَا تَذْهَبْ نَفْسُكَ عَلَيْهِمْ حَسَرَاتٍ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِمَا يَصْنَعُونَ
Siya kaya na ang kasamaan ng kanyang mga gawa ay ginawang kabigha-bighani sa kanya (ay katulad ng isang matuwid na napapatnubayan)? Katotohanang si Allah ang nagliligaw sa sinumang Kanyang maibigan at namamatnubay sa sinumang Kanyang naisin. Kaya’t huwag mong pahirapan ang iyong sarili (kaluluwa) sa pamimighati sa kanila, katiyakang si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng lahat nilang ginagawa
وَاللَّهُ الَّذِي أَرْسَلَ الرِّيَاحَ فَتُثِيرُ سَحَابًا فَسُقْنَاهُ إِلَىٰ بَلَدٍ مَيِّتٍ فَأَحْيَيْنَا بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ كَذَٰلِكَ النُّشُورُ
Si Allah ang nagpapadala ng hanging habagat upang maitaas nito ang mga ulap, at itinaboy Namin ang mga ito (mga ulap) sa patay (tigang) na lupa, at (Aming) binuhay ang kalupaan pagkaraang mamatay (maging tigang). Ganito (ang mangyayari) sa Pagkabuhay (na mag-uli)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
