Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zamar Ayahs #65 Translated in Filipino

وَيُنَجِّي اللَّهُ الَّذِينَ اتَّقَوْا بِمَفَازَتِهِمْ لَا يَمَسُّهُمُ السُّوءُ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
Datapuwa’t si Allah ang magliligtas sa Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao na labis na nagmamahal at nangangamba kay Allah) sapagkat kanilang inani ang kanilang kaligtasan. walang anumang kasamaan ang darapo sa kanila, gayundin, sila ay hindi malulumbay
اللَّهُ خَالِقُ كُلِّ شَيْءٍ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ وَكِيلٌ
Si Allah ang Manlilikha ng lahat ng bagay, at Siya ang Wakil (Katiwala,Tagapangalaga atTagapagpatupad) ng mga pangyayari sa lahat ng bagay
لَهُ مَقَالِيدُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۗ وَالَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِ اللَّهِ أُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ
Sa Kanya ang pagmamay- ari ng mga susi ng kalangitan at kalupaan. At sinuman ang nagtatakwil sa Ayat (mga tanda, aral, katibayan, kapahayagan, atbp.) ni Allah, sila ang mapapariwara
قُلْ أَفَغَيْرَ اللَّهِ تَأْمُرُونِّي أَعْبُدُ أَيُّهَا الْجَاهِلُونَ
Ipagbadya mo (o Muhammad sa mga sumasamba sa diyus-diyosan): “Ako ba ay inuutusan ninyo na sumamba sa iba maliban pa kay Allah? o kayo na mga walang pag- iisip!”
وَلَقَدْ أُوحِيَ إِلَيْكَ وَإِلَى الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكَ لَئِنْ أَشْرَكْتَ لَيَحْبَطَنَّ عَمَلُكَ وَلَتَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ
Datapuwa’t katiyakang ito ay inihayag sa iyo (o Muhammad), na katulad din nang pagkapahayag (sa mga Tagapagbalita ni Allah) na una pa sa iyo: “Kung kayo ay magtatambal (ng iba pang diyus-diyosan kay Allah), katotohanang walang magiging saysay ang inyong mga gawa (sa buhay na ito), at walang pagsala na kayo ay kasama sa mga mapapariwara.”

Choose other languages: