Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zamar Ayahs #53 Translated in Filipino

فَإِذَا مَسَّ الْإِنْسَانَ ضُرٌّ دَعَانَا ثُمَّ إِذَا خَوَّلْنَاهُ نِعْمَةً مِنَّا قَالَ إِنَّمَا أُوتِيتُهُ عَلَىٰ عِلْمٍ ۚ بَلْ هِيَ فِتْنَةٌ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
Ngayon, kung ang kapinsalaan ay dumapo sa tao, siya ay naninikluhod sa Amin; datapuwa’t kung maigawad na Namin ang biyaya (mailigtas siya sa gayong kapinsalaan) mula sa Amin, siya ay nagsasabi: “Ito ay aking nakamtan dahilan sa tiyak na karunungan (na aking angkin)! Hindi, ito ay isa lamang pagsubok, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakakaunawa
قَدْ قَالَهَا الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ فَمَا أَغْنَىٰ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
Katotohanan! Ang mga nauna sa kanila ay nagsasabi rin ng ganito. Datapuwa’t ang lahat ng kanilang ginawa ay walang kapakinabangan sa kanila
فَأَصَابَهُمْ سَيِّئَاتُ مَا كَسَبُوا ۚ وَالَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْ هَٰؤُلَاءِ سَيُصِيبُهُمْ سَيِّئَاتُ مَا كَسَبُوا وَمَا هُمْ بِمُعْجِزِينَ
Kaya’tangbungangkanilangmasamanggawaaysumakmal sa kanila. At ang mapaggawa ng kamalian (sa lahing ito, sa mga tao, na ikaw Muhammad ay isinugo), ang masamang bunga ng kanilang gawa ay sasakmal din sa kanila, at sila ay hindi makakatakas
أَوَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ
Hindi baga nila nababatid na si Allah ang nagkakaloob ng mga ikabubuhay o nagkakait nito sa sinumang Kanyang maibigan? Katotohanan! Naririto ang mga Tanda sa mga may pananampalataya
قُلْ يَا عِبَادِيَ الَّذِينَ أَسْرَفُوا عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ لَا تَقْنَطُوا مِنْ رَحْمَةِ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ يَغْفِرُ الذُّنُوبَ جَمِيعًا ۚ إِنَّهُ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ
Ipagbadya “ o Ibadi (Aking mga alipin) na nagkasala (sa pagsuway) laban sa kanilang kaluluwa (sa pamamagitan nang paggawa nang masasamang asal at kasalanan)! Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa Habag ni Allah; sapagkat katotohanang si Allah ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan. Katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

Choose other languages: