Surah At-Tawba Ayahs #99 Translated in Filipino
سَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَكُمْ إِذَا انْقَلَبْتُمْ إِلَيْهِمْ لِتُعْرِضُوا عَنْهُمْ ۖ فَأَعْرِضُوا عَنْهُمْ ۖ إِنَّهُمْ رِجْسٌ ۖ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
Sila ay manunumpa (sa Ngalan) ni Allah sa inyo (na mga Muslim), kung kayo ay magbalik sa kanila upang kayo ay tumalikod sa kanila. Kaya’t magsitalikod kayo sa kanila. Katotohanang sila ay Rijsun (alalaong baga, hindi dalisay dahilan sa kanilang buktot na gawa), at ang Impiyerno ang kanilang pananahanan, - isang kabayaran sa mga bagay na kanilang kinita
يَحْلِفُونَ لَكُمْ لِتَرْضَوْا عَنْهُمْ ۖ فَإِنْ تَرْضَوْا عَنْهُمْ فَإِنَّ اللَّهَ لَا يَرْضَىٰ عَنِ الْقَوْمِ الْفَاسِقِينَ
Sila (na mga mapagkunwari) ay manunumpa sa inyo (na mga Muslim), upang kayo ay malugod sa kanila, datapuwa’t kung kayo ay nalulugod sa kanila, katiyakang si Allah ay hindi nalulugod sa mga tao na Al-Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
الْأَعْرَابُ أَشَدُّ كُفْرًا وَنِفَاقًا وَأَجْدَرُ أَلَّا يَعْلَمُوا حُدُودَ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
Ang mga bedouin (mga taong namumuhay sa disyerto) ang pinakamasama sa kawalan ng pananampalataya at pagkukunwari, at higit kaysa hindi, ay nasa kamangmangan sa mga hangganan (ng mga kautusan ni Allah at Kanyang mga legal na batas, atbp.), na ipinahayag ni Allah sa Kanyang Tagapagbalita. At si Allah ay Lubos na Maalam, ang Tigib ng Karunungan
وَمِنَ الْأَعْرَابِ مَنْ يَتَّخِذُ مَا يُنْفِقُ مَغْرَمًا وَيَتَرَبَّصُ بِكُمُ الدَّوَائِرَ ۚ عَلَيْهِمْ دَائِرَةُ السَّوْءِ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
At sa mga bedouin (mga taong naninirahan sa disyerto) ay may ilan na tumitingin sa kung ano (magkano) ang kanilang ginugugol (sa Kapakanan ni Allah) bilang isang multa (gastos) at nagbabantay nang (pagdatal) ng kapinsalaan sa inyo, sa kanila ay mangyayari ang kapinsalaan ng kabuktutan. At si Allah ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam
وَمِنَ الْأَعْرَابِ مَنْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَيَتَّخِذُ مَا يُنْفِقُ قُرُبَاتٍ عِنْدَ اللَّهِ وَصَلَوَاتِ الرَّسُولِ ۚ أَلَا إِنَّهَا قُرْبَةٌ لَهُمْ ۚ سَيُدْخِلُهُمُ اللَّهُ فِي رَحْمَتِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
At sa mga bedouin (mga taong naninirahan sa disyerto) ay may ilan na sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw, at tumitingin sa anumang kanilang ginugugol sa Kapakanan ni Allah bilang (isang paraan) na mapalapit kay Allah, at isang dahilan nang pagtanggap sa mga panawagan ng Tagapagbalita. Katotohanan, ang mga ito ay isang paglapit sa kanila. Si Allah ay tatanggap sa kanila sa Kanyang habag. Katiyakang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
