Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #100 Translated in Filipino

يَحْلِفُونَ لَكُمْ لِتَرْضَوْا عَنْهُمْ ۖ فَإِنْ تَرْضَوْا عَنْهُمْ فَإِنَّ اللَّهَ لَا يَرْضَىٰ عَنِ الْقَوْمِ الْفَاسِقِينَ
Sila (na mga mapagkunwari) ay manunumpa sa inyo (na mga Muslim), upang kayo ay malugod sa kanila, datapuwa’t kung kayo ay nalulugod sa kanila, katiyakang si Allah ay hindi nalulugod sa mga tao na Al-Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
الْأَعْرَابُ أَشَدُّ كُفْرًا وَنِفَاقًا وَأَجْدَرُ أَلَّا يَعْلَمُوا حُدُودَ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
Ang mga bedouin (mga taong namumuhay sa disyerto) ang pinakamasama sa kawalan ng pananampalataya at pagkukunwari, at higit kaysa hindi, ay nasa kamangmangan sa mga hangganan (ng mga kautusan ni Allah at Kanyang mga legal na batas, atbp.), na ipinahayag ni Allah sa Kanyang Tagapagbalita. At si Allah ay Lubos na Maalam, ang Tigib ng Karunungan
وَمِنَ الْأَعْرَابِ مَنْ يَتَّخِذُ مَا يُنْفِقُ مَغْرَمًا وَيَتَرَبَّصُ بِكُمُ الدَّوَائِرَ ۚ عَلَيْهِمْ دَائِرَةُ السَّوْءِ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
At sa mga bedouin (mga taong naninirahan sa disyerto) ay may ilan na tumitingin sa kung ano (magkano) ang kanilang ginugugol (sa Kapakanan ni Allah) bilang isang multa (gastos) at nagbabantay nang (pagdatal) ng kapinsalaan sa inyo, sa kanila ay mangyayari ang kapinsalaan ng kabuktutan. At si Allah ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam
وَمِنَ الْأَعْرَابِ مَنْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَيَتَّخِذُ مَا يُنْفِقُ قُرُبَاتٍ عِنْدَ اللَّهِ وَصَلَوَاتِ الرَّسُولِ ۚ أَلَا إِنَّهَا قُرْبَةٌ لَهُمْ ۚ سَيُدْخِلُهُمُ اللَّهُ فِي رَحْمَتِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
At sa mga bedouin (mga taong naninirahan sa disyerto) ay may ilan na sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw, at tumitingin sa anumang kanilang ginugugol sa Kapakanan ni Allah bilang (isang paraan) na mapalapit kay Allah, at isang dahilan nang pagtanggap sa mga panawagan ng Tagapagbalita. Katotohanan, ang mga ito ay isang paglapit sa kanila. Si Allah ay tatanggap sa kanila sa Kanyang habag. Katiyakang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَالسَّابِقُونَ الْأَوَّلُونَ مِنَ الْمُهَاجِرِينَ وَالْأَنْصَارِ وَالَّذِينَ اتَّبَعُوهُمْ بِإِحْسَانٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا عَنْهُ وَأَعَدَّ لَهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي تَحْتَهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۚ ذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ
Ang unang yumakap sa Islam sa Muhajirun (yaong mga nagsilikas mula sa Makkah patungo sa Al-Madina), at sa Ansar (ang mga mamamayan ng Al-Madina na tumulong sa Muhajirun), at sila na nagsisunod sa kanila ng tumpak (sa pananampalataya). Si Allah ay labis na nalulugod sa kanila, gayundin, sila ay nalulugod sa Kanya. Siya (Allah) ay naghanda para sa kanila ng Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), upang manahan dito magpakailanman. Ito ang rurok ng tagumpay

Choose other languages: