Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #125 Translated in Filipino

وَلَا يُنْفِقُونَ نَفَقَةً صَغِيرَةً وَلَا كَبِيرَةً وَلَا يَقْطَعُونَ وَادِيًا إِلَّا كُتِبَ لَهُمْ لِيَجْزِيَهُمُ اللَّهُ أَحْسَنَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Gayundin naman, sila ay hindi gumugugol ng anuman (para sa Kapakanan ni Allah), - maging ito ay maliit o malaki, o ang tumawid sa lambak, na ito ay hindi nasusulat sa kanilang kapakinabangan, upang sila ay mabayaran ni Allah sa pinakamainam na kanilang ginawa (alalaong baga, si Allah ay magbibigay sa kanila ng gantimpala sa kanilang mabubuting gawa ng ayon sa katampatang ganti ng kanilang pinakamainam na gawa na kanilang ginawa sa pinakamainam na paraan)
وَمَا كَانَ الْمُؤْمِنُونَ لِيَنْفِرُوا كَافَّةً ۚ فَلَوْلَا نَفَرَ مِنْ كُلِّ فِرْقَةٍ مِنْهُمْ طَائِفَةٌ لِيَتَفَقَّهُوا فِي الدِّينِ وَلِيُنْذِرُوا قَوْمَهُمْ إِذَا رَجَعُوا إِلَيْهِمْ لَعَلَّهُمْ يَحْذَرُونَ
At hindi isang (katampatan) para sa mga sumasampalataya na sama-samang lahat na humayo upang makipaglaban (Jihad, banal na pakikidigma). Sa bawat pulutong nila, isang pangkat lamang ang marapat na magpauna, upang sila (na naiwan) ay magkaroon ng katuruan (aral sa Islamikong) panananampalataya, at upang kanilang mabigyang babala ang kanilang mga tao kung sila ay magbalik na sa kanila, upang sila ay maging maingat (na makagawa ng kasamaan)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا قَاتِلُوا الَّذِينَ يَلُونَكُمْ مِنَ الْكُفَّارِ وَلْيَجِدُوا فِيكُمْ غِلْظَةً ۚ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُتَّقِينَ
o kayong nagsisisampalataya! Inyong labanan ang mga hindi sumasampalataya na malapit sa inyo (alalaong baga, mga kamag-anak o kaibigan), at hayaan silang makatagpo ng katigasan (ng loob) sa inyo, at inyong maalaman na si Allah ay nananatili sa Al-Muttaqun (mga matimtiman at matutuwid na tao)
وَإِذَا مَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ فَمِنْهُمْ مَنْ يَقُولُ أَيُّكُمْ زَادَتْهُ هَٰذِهِ إِيمَانًا ۚ فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا فَزَادَتْهُمْ إِيمَانًا وَهُمْ يَسْتَبْشِرُونَ
At kailanman, kung may ipinapanaog na Surah (kabanata ng Qur’an), ang ilan sa kanila (na mga mapagkunwari) ay nagsasabi: “Sino ba sa inyo ang nagiging masidhi ang kanyang pananalig sa pamamagitan nito (ang kabanata ng Quran)?” At kung tungkol sa mga sumasampalataya, ito ay nakakapagpasidhi sa kanilang pananalig, at sila ay nangagagalak
وَأَمَّا الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ فَزَادَتْهُمْ رِجْسًا إِلَىٰ رِجْسِهِمْ وَمَاتُوا وَهُمْ كَافِرُونَ
Datapuwa’t sa kanila na ang puso ay may karamdaman (ng alinlangan, kawalan ng pananalig at pagkukunwari), ito ay makapagdaragdag ng kutob at alinlangan sa kanilang paghihinala, kawalan ng pananalig at alinlangan, at sila ay mamamatay habang sila ay hindi nananampalataya

Choose other languages: