Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nur Ayahs #54 Translated in Filipino

أَفِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ أَمِ ارْتَابُوا أَمْ يَخَافُونَ أَنْ يَحِيفَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ وَرَسُولُهُ ۚ بَلْ أُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ
Mayroon bagang karamdaman ang kanilang puso? o sila ba ay nagsasalita ng pag-aalinlangan o nangangamba na marahil, si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita ay magbibigay kamalian sa kanila sa paghatol. Hindi, sila ang Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp)
إِنَّمَا كَانَ قَوْلَ الْمُؤْمِنِينَ إِذَا دُعُوا إِلَى اللَّهِ وَرَسُولِهِ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ أَنْ يَقُولُوا سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
Ang tangi lamang sinasambit ng mga matatapat na nananampalataya, kung sila ay tawagin kay Allah (sa Kanyang mga Salita, sa Qur’an) at sa Kanyang Tagapagbalita, upang humatol sa pagitan nila, sila ay nagsasabi: “Kami ay dumirinig at kami ay tumatalima.” At sila ang mga matatagumpay (na mananahan magpakailanman sa Paraiso)
وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيَخْشَ اللَّهَ وَيَتَّقْهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَائِزُونَ
At sinuman ang sumunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, at may pagkatakot kay Allah at nagpapanatili ng kanyang tungkulin (sa Kanya), sila yaong mga matatagumpay
وَأَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ لَئِنْ أَمَرْتَهُمْ لَيَخْرُجُنَّ ۖ قُلْ لَا تُقْسِمُوا ۖ طَاعَةٌ مَعْرُوفَةٌ ۚ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ
Sila ay nanunumpa (sa Ngalan) ni Allah ng kanilang pinakamatibay na panunumpa, na kung inyo lamang silang pag-aatasan, ay iiwan nila ang (kanilang mga tahanan tungo sa pakikipaglaban sa Kapakanan ni Allah). Ipahayag: “Huwag kayong manumpa; ang pagsunod (ninyong ito) ay batid na (isang kabulaanan). Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa.”
قُلْ أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ ۖ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَإِنَّمَا عَلَيْهِ مَا حُمِّلَ وَعَلَيْكُمْ مَا حُمِّلْتُمْ ۖ وَإِنْ تُطِيعُوهُ تَهْتَدُوا ۚ وَمَا عَلَى الرَّسُولِ إِلَّا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ
Ipagbadya: “Sundin ninyo si Allah at sundin ang Tagapagbalita, datapuwa’t kung kayo ay magsitalikod, siya (ang Tagapagbalita, si Muhammad) ay may pananagutan lamang sa tungkuling iniatang sa kanya (alalaong baga, upang iparating lamang ang Mensahe ni Allah), at ang sa inyo, ay kung ano ang iniatang sa inyo. Kung kayo ay susunod sa kanya, kayo ay malalagay sa tamang patnubay. Ang tanging tungkulin ng Tagapagbalita ay upang ipaabot sa inyo (ang mensahe) sa maliwanag na paraan (alalaong baga, ang mangaral nang maliwanag at mahusay).”

Choose other languages: