Surah An-Nisa Ayahs #102 Translated in Filipino
إِلَّا الْمُسْتَضْعَفِينَ مِنَ الرِّجَالِ وَالنِّسَاءِ وَالْوِلْدَانِ لَا يَسْتَطِيعُونَ حِيلَةً وَلَا يَهْتَدُونَ سَبِيلًا
Maliban sa mahihina sa lipon ng kalalakihan, kababaihan at mga bata na hindi makakagawa ng balakin, gayundin naman ay wala silang kakayahan upang patnubayan ang kanilang landas
فَأُولَٰئِكَ عَسَى اللَّهُ أَنْ يَعْفُوَ عَنْهُمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَفُوًّا غَفُورًا
Sakanilaaymayroongpag-asanasiAllahaymagpapatawad sa kanila, at si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Paulit-ulit na Nagpapatawad
وَمَنْ يُهَاجِرْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ يَجِدْ فِي الْأَرْضِ مُرَاغَمًا كَثِيرًا وَسَعَةً ۚ وَمَنْ يَخْرُجْ مِنْ بَيْتِهِ مُهَاجِرًا إِلَى اللَّهِ وَرَسُولِهِ ثُمَّ يُدْرِكْهُ الْمَوْتُ فَقَدْ وَقَعَ أَجْرُهُ عَلَى اللَّهِ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا
Siya na lumikas (at umiwan sa kanyang tahanan) tungo sa Kapakanan ni Allah ay makakatagpo sa kalupaan ng maraming matitirhan at kasaganaan upang mamuhay. At sinuman ang umiwan sa kanyang tahanan bilang isang nangingibang bayan dahilan (sa pagmamahal) kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita; at (kung) ang kamatayan ay dumatal sa kanya, ang kanyang (gawad) na gantimpala ay katiyakan na isang katungkulan ni Allah. At si Allah ay Lagi at Paulit-ulit na Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَإِذَا ضَرَبْتُمْ فِي الْأَرْضِ فَلَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَقْصُرُوا مِنَ الصَّلَاةِ إِنْ خِفْتُمْ أَنْ يَفْتِنَكُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ إِنَّ الْكَافِرِينَ كَانُوا لَكُمْ عَدُوًّا مُبِينًا
At kung kayo (o mga Muslim) ay naglalakbay sa kalupaan, hindi isang kasalanan sa inyo kung inyong paikliin ang inyong pagdarasal kung kayo ay nangangamba na ang mga hindi sumasampalataya ay maaaring lumusob sa inyo; katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya ay tunay na lantad ninyong kaaaway
وَإِذَا كُنْتَ فِيهِمْ فَأَقَمْتَ لَهُمُ الصَّلَاةَ فَلْتَقُمْ طَائِفَةٌ مِنْهُمْ مَعَكَ وَلْيَأْخُذُوا أَسْلِحَتَهُمْ فَإِذَا سَجَدُوا فَلْيَكُونُوا مِنْ وَرَائِكُمْ وَلْتَأْتِ طَائِفَةٌ أُخْرَىٰ لَمْ يُصَلُّوا فَلْيُصَلُّوا مَعَكَ وَلْيَأْخُذُوا حِذْرَهُمْ وَأَسْلِحَتَهُمْ ۗ وَدَّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْ تَغْفُلُونَ عَنْ أَسْلِحَتِكُمْ وَأَمْتِعَتِكُمْ فَيَمِيلُونَ عَلَيْكُمْ مَيْلَةً وَاحِدَةً ۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ إِنْ كَانَ بِكُمْ أَذًى مِنْ مَطَرٍ أَوْ كُنْتُمْ مَرْضَىٰ أَنْ تَضَعُوا أَسْلِحَتَكُمْ ۖ وَخُذُوا حِذْرَكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ أَعَدَّ لِلْكَافِرِينَ عَذَابًا مُهِينًا
At kung ikaw (o Tagapagbalita, “Muhammad”) ay nasa lipon nila, at sila ay iyong pinamumunuan sa pagdarasal, hayaan ang isang pangkat nila ay magsitindig na kasama ka (sa pagdarasal), na dala-dala ang kanilang mga sandata; at kung matapos na nila ang pagpapatirapa, hayaan silang mamalagi sa likuran at hayaan ang ibang pangkat na hindi pa nakapagdarasal ay lumapit, at hayaan sila na magdasal na kasama ka ng may lahat ng pag-iingat at may hawak na mga sandata. Ang mga hindi sumasampalataya ay nagnanais na kung kayo ay maging pabaya sa inyong mga sandata at mga dala- dalahan, kayo ay lulusubin nila nang minsanan, datapuwa’t hindi isang kasalanan kung ibaba ninyo ang inyong mga sandata (kung nabibigatan) at kung ito ay hindi maginhawa kung umuulan, o sa dahilang kayo ay may karamdaman, datapuwa’t gawin ninyo ang lahat ng pag-iingat sa inyong sarili. Katotohanang si Allah ay naghanda ng kaaba-abang kaparusahan sa mga hindi sumasampalataya
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
