Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #101 Translated in Filipino

إِنَّ الَّذِينَ تَوَفَّاهُمُ الْمَلَائِكَةُ ظَالِمِي أَنْفُسِهِمْ قَالُوا فِيمَ كُنْتُمْ ۖ قَالُوا كُنَّا مُسْتَضْعَفِينَ فِي الْأَرْضِ ۚ قَالُوا أَلَمْ تَكُنْ أَرْضُ اللَّهِ وَاسِعَةً فَتُهَاجِرُوا فِيهَا ۚ فَأُولَٰئِكَ مَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ وَسَاءَتْ مَصِيرًا
Katotohanan! Sa kanila na kinuha ng anghel (ang kaluluwa sa kamatayan) habang isinusuong nila ang kanilang sarili sakamalian(sapagkatnanatilisilasaliponngmgahindi sumasampalataya kahit na ang paglikas ay katungkulan sa kanila), sila (ang mga anghel) ay magsasabi (sa kanila): “Sa anong (kalagayan) ba kayo noon? Sila ay magsasabi: “Kami noon ay mahina at inaapi sa kalupaan”. Sila (ang mga anghel) ay magsasabi: “Hindi baga ang kalupaan ni Allah ay lubhang maluwang upang kayo ay makalikas?” Ang mga taong ito ay makakatagpo ng kanilang hantungan sa Impiyerno, – at gaano kasama itong (kanilang) patutunguhan
إِلَّا الْمُسْتَضْعَفِينَ مِنَ الرِّجَالِ وَالنِّسَاءِ وَالْوِلْدَانِ لَا يَسْتَطِيعُونَ حِيلَةً وَلَا يَهْتَدُونَ سَبِيلًا
Maliban sa mahihina sa lipon ng kalalakihan, kababaihan at mga bata na hindi makakagawa ng balakin, gayundin naman ay wala silang kakayahan upang patnubayan ang kanilang landas
فَأُولَٰئِكَ عَسَى اللَّهُ أَنْ يَعْفُوَ عَنْهُمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَفُوًّا غَفُورًا
Sakanilaaymayroongpag-asanasiAllahaymagpapatawad sa kanila, at si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Paulit-ulit na Nagpapatawad
وَمَنْ يُهَاجِرْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ يَجِدْ فِي الْأَرْضِ مُرَاغَمًا كَثِيرًا وَسَعَةً ۚ وَمَنْ يَخْرُجْ مِنْ بَيْتِهِ مُهَاجِرًا إِلَى اللَّهِ وَرَسُولِهِ ثُمَّ يُدْرِكْهُ الْمَوْتُ فَقَدْ وَقَعَ أَجْرُهُ عَلَى اللَّهِ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا
Siya na lumikas (at umiwan sa kanyang tahanan) tungo sa Kapakanan ni Allah ay makakatagpo sa kalupaan ng maraming matitirhan at kasaganaan upang mamuhay. At sinuman ang umiwan sa kanyang tahanan bilang isang nangingibang bayan dahilan (sa pagmamahal) kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita; at (kung) ang kamatayan ay dumatal sa kanya, ang kanyang (gawad) na gantimpala ay katiyakan na isang katungkulan ni Allah. At si Allah ay Lagi at Paulit-ulit na Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَإِذَا ضَرَبْتُمْ فِي الْأَرْضِ فَلَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَقْصُرُوا مِنَ الصَّلَاةِ إِنْ خِفْتُمْ أَنْ يَفْتِنَكُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ إِنَّ الْكَافِرِينَ كَانُوا لَكُمْ عَدُوًّا مُبِينًا
At kung kayo (o mga Muslim) ay naglalakbay sa kalupaan, hindi isang kasalanan sa inyo kung inyong paikliin ang inyong pagdarasal kung kayo ay nangangamba na ang mga hindi sumasampalataya ay maaaring lumusob sa inyo; katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya ay tunay na lantad ninyong kaaaway

Choose other languages: