Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #74 Translated in Filipino

ذَٰلِكَ الْفَضْلُ مِنَ اللَّهِ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ عَلِيمًا
Ito ang Kasaganaan mula kay Allah, at si Allah ay sapat na bilang may Ganap na Kaalaman
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا خُذُوا حِذْرَكُمْ فَانْفِرُوا ثُبَاتٍ أَوِ انْفِرُوا جَمِيعًا
o kayong nagsisisampalataya! Magsipag-ingat kayo, at kayo ay magsitungo nang pangkat-pangkat (sa makabuluhang paglalakbay), o magsitungo nang sama- sama
وَإِنَّ مِنْكُمْ لَمَنْ لَيُبَطِّئَنَّ فَإِنْ أَصَابَتْكُمْ مُصِيبَةٌ قَالَ قَدْ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيَّ إِذْ لَمْ أَكُنْ مَعَهُمْ شَهِيدًا
Katiyakang mayroon sa inyo ang magpapaiwan sa likuran (upang [makaiwas] na makipaglaban sa Kapakanan ni Allah). At kung ang kasawian ay dumatal sa inyo, siya ay magsasabi, “Katotohanang si Allah ay nagmalasakit sa akin sapagkat ako ay hindi nila nakasama”
وَلَئِنْ أَصَابَكُمْ فَضْلٌ مِنَ اللَّهِ لَيَقُولَنَّ كَأَنْ لَمْ تَكُنْ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُ مَوَدَّةٌ يَا لَيْتَنِي كُنْتُ مَعَهُمْ فَأَفُوزَ فَوْزًا عَظِيمًا
Datapuwa’t kung ang kasaganaan (tagumpay at mga labing yaman ng labanan) ay dumatal sa inyo mula kay Allah, katiyakang kanyang sasabihin, na wari bang hindi kailanman nagkaroon ng bigkis ng pagmamalasakit sa pagitan niya at ninyo,- “oh! Ako sana ay napabilang sa kanila; nang sa gayon, ako (sana) ay nakapagtamo ng malaking tagumpay (mainam na bahagi ng labing yaman ng labanan)”
فَلْيُقَاتِلْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ الَّذِينَ يَشْرُونَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا بِالْآخِرَةِ ۚ وَمَنْ يُقَاتِلْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَيُقْتَلْ أَوْ يَغْلِبْ فَسَوْفَ نُؤْتِيهِ أَجْرًا عَظِيمًا
Hayaanang(mgasumasampalataya) nanagbibilingbuhay sa mundong ito (alalaong baga, iniiwasan ang pagiging makamundo) bilang kapalit ng Kabilang Buhay ay lumaban para sa Kapakanan ni Allah, at sinuman ang makipaglaban sa Kapakanan ni Allah at nasawi o nagkamit ng tagumpay, Aming ipagkakaloob sa kanya ang malaking biyaya

Choose other languages: