Surah An-Nisa Ayahs #64 Translated in Filipino
أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ يَزْعُمُونَ أَنَّهُمْ آمَنُوا بِمَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ وَمَا أُنْزِلَ مِنْ قَبْلِكَ يُرِيدُونَ أَنْ يَتَحَاكَمُوا إِلَى الطَّاغُوتِ وَقَدْ أُمِرُوا أَنْ يَكْفُرُوا بِهِ وَيُرِيدُ الشَّيْطَانُ أَنْ يُضِلَّهُمْ ضَلَالًا بَعِيدًا
Napagmamalas ba ninyo sila (ang mga mapagkunwari), na nag-aangkin na sila ay sumasampalataya sa mga ipinanaog (na kapahayagan) sa iyo, at sa mga ipinanaog (na kapahayagan) nang una pa sa iyo, at sila ay nagnanais na tumungo (sumangguni) para sa kahatulan (ng kanilang mga pagkakahidwa) sa Taghut (mga huwad na hukom, diyus-diyosan, atbp.) samantalang sila ay pinag-utusan na ito ay talikdan. Datapuwa’t si Satanas ay naghahangad na sila ay mapaligaw nang malayo
وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ تَعَالَوْا إِلَىٰ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ وَإِلَى الرَّسُولِ رَأَيْتَ الْمُنَافِقِينَ يَصُدُّونَ عَنْكَ صُدُودًا
At nang ito ay ipagtagubilin sa kanila: “Halina kayo (at sumangguni) sa mga ipinanaog (na kapahayagan) ni Allah (at sumangguni) sa Tagapagbalita (Muhammad), ikaw (o Muhammad) ay nakakamalas sa mga mapagkunwari na tumatalikod sa iyo ng may pag-iwas
فَكَيْفَ إِذَا أَصَابَتْهُمْ مُصِيبَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ ثُمَّ جَاءُوكَ يَحْلِفُونَ بِاللَّهِ إِنْ أَرَدْنَا إِلَّا إِحْسَانًا وَتَوْفِيقًا
Paanong (nangyari), nang ang malaking kapinsalaan ay dumatal sa kanila dahilan sa (mga gawa) na inihantong ng kanilang mga kamay, sila ay pumaparoon sa iyo na sumusumpa (sa Ngalan) ni Allah, “wala kaming hinahangad maliban sa magandang pagtitinginan at pakikipagkasundo!”
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ يَعْلَمُ اللَّهُ مَا فِي قُلُوبِهِمْ فَأَعْرِضْ عَنْهُمْ وَعِظْهُمْ وَقُلْ لَهُمْ فِي أَنْفُسِهِمْ قَوْلًا بَلِيغًا
Sila (ang mga mapagkunwari) ay nababatid ni Allah kung ano ang nasa kanilang puso; kaya’t lumayo kayo sa kanila (huwag ninyo silang parusahan) ngunit sila ay inyong pangaralan at mangusap sa kanila ng mabisang (madamdaming) salita (alalaong baga, upang manampalataya kay Allah, sumamba sa Kanya, tumalima sa Kanya at mangamba sa Kanya) upang maantig ang kanilang kalooban
وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ رَسُولٍ إِلَّا لِيُطَاعَ بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَلَوْ أَنَّهُمْ إِذْ ظَلَمُوا أَنْفُسَهُمْ جَاءُوكَ فَاسْتَغْفَرُوا اللَّهَ وَاسْتَغْفَرَ لَهُمُ الرَّسُولُ لَوَجَدُوا اللَّهَ تَوَّابًا رَحِيمًا
Hindi Kami nagsugo ng isang Tagapagbalita maliban na (siya) ay sundin sa kapahintulutan ni Allah. At sila (ang mapagkunwari), nang sila ay hindi naging makatarungan sa kanilang sarili, ay pumaroon sa iyo (Muhammad) at nanikluhod sa kapatawaran ni Allah, at ang Tagapagbalita ay nagsumamo ng Kapatawaran para sa kanila, tunay na kanilang matatagpuan na si Allah ay Ganap na Nagpapatawad(Tanging Siyaangtumatanggapngpagsisisi), ang Pinakamaawain
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
