Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #32 Translated in Filipino

يُرِيدُ اللَّهُ أَنْ يُخَفِّفَ عَنْكُمْ ۚ وَخُلِقَ الْإِنْسَانُ ضَعِيفًا
Ninanais ni Allah na mapagaan (ang dalahin) para sa inyo; sapagkat ang tao ay nilikha na mahina (hindi makapagtimpi na huwag sumiping sa babae)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَأْكُلُوا أَمْوَالَكُمْ بَيْنَكُمْ بِالْبَاطِلِ إِلَّا أَنْ تَكُونَ تِجَارَةً عَنْ تَرَاضٍ مِنْكُمْ ۚ وَلَا تَقْتُلُوا أَنْفُسَكُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ بِكُمْ رَحِيمًا
O kayong sumasampalataya! Huwag ninyong lamunin ang inyong ari-arian sa inyong sarili ng walang kapararakan, datapuwa’t hayaang magkaroon ng pakikipagkalakalan sa lipon ninyo na kapwa ninyo pinahihintulutan, at huwag ninyong patayin at wasakin ang inyong sarili (o huwag magpatayan sa isa’t isa), katotohanang si Allah sa inyo ay Pinakamaawain
وَمَنْ يَفْعَلْ ذَٰلِكَ عُدْوَانًا وَظُلْمًا فَسَوْفَ نُصْلِيهِ نَارًا ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرًا
At kung sinuman ang gumawa nito sa pagmamalabis at kawalang katarungan, siya ay Aming ihahagis sa Apoy, at ito ay magaan lamang kay Allah
إِنْ تَجْتَنِبُوا كَبَائِرَ مَا تُنْهَوْنَ عَنْهُ نُكَفِّرْ عَنْكُمْ سَيِّئَاتِكُمْ وَنُدْخِلْكُمْ مُدْخَلًا كَرِيمًا
At kung inyong iiwasan ang mga karumal-dumal na kasalanan na sa inyo ay ipinagbabawal, ipatatawad Namin sa inyo ang (iba ninyong maliliit) na kasalanan at kayo ay tatanggapin sa Tarangkahan ng malaking karangalan
وَلَا تَتَمَنَّوْا مَا فَضَّلَ اللَّهُ بِهِ بَعْضَكُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۚ لِلرِّجَالِ نَصِيبٌ مِمَّا اكْتَسَبُوا ۖ وَلِلنِّسَاءِ نَصِيبٌ مِمَّا اكْتَسَبْنَ ۚ وَاسْأَلُوا اللَّهَ مِنْ فَضْلِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا
At huwag ninyong pag-imbutan ang mga bagay na ipinagkaloob ni Allah sa mga iba na higit sa inyo. Sa mga lalaki ay mayroong gantimpala sa anumang kanilang kinita, (gayundin naman) sa mga babae ay mayroong gantimpala sa anumang kanilang kinita, datapuwa’t kayo ay humingi kay Allah ng Kanyang Biyaya. Katotohanang si Allah ay may Ganap na Kaalaman sa lahat ng bagay

Choose other languages: