Surah An-Nisa Ayahs #170 Translated in Filipino
لَٰكِنِ اللَّهُ يَشْهَدُ بِمَا أَنْزَلَ إِلَيْكَ ۖ أَنْزَلَهُ بِعِلْمِهِ ۖ وَالْمَلَائِكَةُ يَشْهَدُونَ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ شَهِيدًا
Datapuwa’t si Allah ang nagpapatotoo sa bagay na Kanyang ipinadala (ang Qur’an) sa iyo (O Muhammad), at Kanyang ipinanaog ito sa Kanyang Karunungan, at ang mga anghel ay nagpapatotoo (rin). At si Allah ay Ganap at Sapat na bilang isang Saksi
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَصَدُّوا عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ قَدْ ضَلُّوا ضَلَالًا بَعِيدًا
Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya (sa pamamagitan ng pagkukubli sa katotohanan tungkol kay Propeta Muhammad at ng Kanyang kapahayagan na nasusulat para sa kanila sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) at humahadlang (sa sangkatauhan) tungo sa Landas ni Allah (Pagiging Tunay na Isa ni Allah), katiyakang sila ay napaligaw nang malayo
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَظَلَمُوا لَمْ يَكُنِ اللَّهُ لِيَغْفِرَ لَهُمْ وَلَا لِيَهْدِيَهُمْ طَرِيقًا
Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya at nagsisigawangkabuhungan(sapamamagitanngpagkukubli sa katotohanan), si Allah ay hindi magpapatawad sa kanila, gayundin naman, sila ay hindi Niya papatnubayan sa anumang landas
إِلَّا طَرِيقَ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرًا
Maliban sa daan ng Impiyerno, upang manahan dito magpakailanman, at ito ay lubhang magaan kay Allah
يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَكُمُ الرَّسُولُ بِالْحَقِّ مِنْ رَبِّكُمْ فَآمِنُوا خَيْرًا لَكُمْ ۚ وَإِنْ تَكْفُرُوا فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا
o sangkatauhan! Tunay ngang dumatal sa inyo ang Tagapagbalita (Muhammad) na may katotohanan mula sa inyong Panginoon, kaya’t manalig kayo sa kanya, ito ay higit na mainam sa inyo. Datapuwa’t kung kayo ay hindi sumampalataya, kung gayon, kay Allah ang ganap na pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan. At si Allah ay Lalagi nang Puspos ng Kaalaman, ang Tigib ng Karunungan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
