Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #173 Translated in Filipino

إِلَّا طَرِيقَ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرًا
Maliban sa daan ng Impiyerno, upang manahan dito magpakailanman, at ito ay lubhang magaan kay Allah
يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَكُمُ الرَّسُولُ بِالْحَقِّ مِنْ رَبِّكُمْ فَآمِنُوا خَيْرًا لَكُمْ ۚ وَإِنْ تَكْفُرُوا فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا
o sangkatauhan! Tunay ngang dumatal sa inyo ang Tagapagbalita (Muhammad) na may katotohanan mula sa inyong Panginoon, kaya’t manalig kayo sa kanya, ito ay higit na mainam sa inyo. Datapuwa’t kung kayo ay hindi sumampalataya, kung gayon, kay Allah ang ganap na pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan. At si Allah ay Lalagi nang Puspos ng Kaalaman, ang Tigib ng Karunungan
يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لَا تَغْلُوا فِي دِينِكُمْ وَلَا تَقُولُوا عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ ۚ إِنَّمَا الْمَسِيحُ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ رَسُولُ اللَّهِ وَكَلِمَتُهُ أَلْقَاهَا إِلَىٰ مَرْيَمَ وَرُوحٌ مِنْهُ ۖ فَآمِنُوا بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ ۖ وَلَا تَقُولُوا ثَلَاثَةٌ ۚ انْتَهُوا خَيْرًا لَكُمْ ۚ إِنَّمَا اللَّهُ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۖ سُبْحَانَهُ أَنْ يَكُونَ لَهُ وَلَدٌ ۘ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ وَكِيلًا
O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Huwag kayong magmalabis sa hangganan ng pananampalataya, at huwag din kayong magsabi ng tungkol kay Allah maliban sa katotohanan. Ang Mesiyas na si Hesus, ang anak ni Maria, ay (hindi hihigit pa) sa isang Tagapagbalita ni Allah at Kanyang Salita (“Mangyari nga!”, at ito ay magaganap) na Kanyang iginawad kay Maria at isang Ruh (espiritu) na Kanyang nilikha (alalaong baga, ang kaluluwa ni Hesus ay nilikha ni Allah, samakatuwid siya ay Kanyang alipin, at si Allah at ang espiritu ay hindi magkapantay o magkatulad); kaya’t manampalataya kay Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita. Huwag kayong mangusap ng: “Trinidad (o Tatlo)!” Magsitigil! (Ito ay) higit na mainam sa inyo. Sapagkat si Allah (ang tanging) Nag-iisang Diyos, ang Kaluwalhatian ay sa Kanya, (higit Siyang mataas) kaysa (sa lahat) upang magkaroon ng anak. Sa Kanya ang pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. At si Allah ay Lalagi at Sapat na upang maging Tagapamahala ng lahat ng mga pangyayari
لَنْ يَسْتَنْكِفَ الْمَسِيحُ أَنْ يَكُونَ عَبْدًا لِلَّهِ وَلَا الْمَلَائِكَةُ الْمُقَرَّبُونَ ۚ وَمَنْ يَسْتَنْكِفْ عَنْ عِبَادَتِهِ وَيَسْتَكْبِرْ فَسَيَحْشُرُهُمْ إِلَيْهِ جَمِيعًا
Ang Mesiyas ay hindi kailanman magpapawalang halaga (magiging palalo) na paglingkuran at sambahin si Allah, gayundin ang mga anghel na pinakamalapit (kay Allah). At sinumang magtakwil ng pagsamba sa Kanya at maging palalo, sila ay Kanyang titipuning lahat nang sama- sama sa Kanya (upang magsulit)
فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَيُوَفِّيهِمْ أُجُورَهُمْ وَيَزِيدُهُمْ مِنْ فَضْلِهِ ۖ وَأَمَّا الَّذِينَ اسْتَنْكَفُوا وَاسْتَكْبَرُوا فَيُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا وَلَا يَجِدُونَ لَهُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا
Datapuwa’t ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) at nagsisigawa ng kabutihan, sa kanila ay Kanyang ipagkakaloob ang kanilang (nakalaang) gantimpala, at marami pang (iba) mula sa Kanyang Biyaya. Datapuwa’t sa mga nagwawalang bahala sa pagsamba sa Kanya at mga palalo, sila ay Kanyang parurusahan ng kasakit-sakit na kaparusahan. At sila ay hindi makakatagpo para sa kanilang sarili maliban pa kay Allah ng anumang tagapangalaga o kawaksi

Choose other languages: