Surah An-Nisa Ayahs #162 Translated in Filipino
بَلْ رَفَعَهُ اللَّهُ إِلَيْهِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا
Datapuwa’t itinaas siya (Hesus) sa (kanyang katawan at kaluluwa) ni Allah sa Kanyang piling (at si Hesus ay nasa kalangitan [ngayon]). At si Allah ay Lalagi nang Tigib ng Kapangyarihan, ang Puspos ng Kaalaman
وَإِنْ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ إِلَّا لَيُؤْمِنَنَّ بِهِ قَبْلَ مَوْتِهِ ۖ وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ يَكُونُ عَلَيْهِمْ شَهِيدًا
At walang sinuman sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), ang maliliban (o mangyayari) na hindi mananalig sa kanya (kay Hesus, ang anak ni Maria, bilang isang Tagapagbalita lamang ni Allah at isang tao) bago dumatal ang kanyang kamatayan; at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, siya (Hesus) ay magiging saksi laban sa kanila
فَبِظُلْمٍ مِنَ الَّذِينَ هَادُوا حَرَّمْنَا عَلَيْهِمْ طَيِّبَاتٍ أُحِلَّتْ لَهُمْ وَبِصَدِّهِمْ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ كَثِيرًا
At dahil sa katampalasanan ng mga Hudyo ay Aming ginawa na bawal sa kanila (hindi nararapat) ang ilang piling pagkain (na mabuti), na noon ay hindi bawal (pinapayagan) sa kanila, at sa kanilang paghadlang sa marami sa Landas ni Allah
وَأَخْذِهِمُ الرِّبَا وَقَدْ نُهُوا عَنْهُ وَأَكْلِهِمْ أَمْوَالَ النَّاسِ بِالْبَاطِلِ ۚ وَأَعْتَدْنَا لِلْكَافِرِينَ مِنْهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا
At sa kanilang pagtanggap ng Riba (interes, o patubo sa pera o pautang), bagama’t sila ay pinagbawalan at sa kanilang pagkamkam ng walang katarungan sa yaman ng mga tao (at sa panunuhol). At Aming inihanda sa mga hindi sumasampalataya sa lipon nila ang kasakit-sakit na kaparusahan
لَٰكِنِ الرَّاسِخُونَ فِي الْعِلْمِ مِنْهُمْ وَالْمُؤْمِنُونَ يُؤْمِنُونَ بِمَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ وَمَا أُنْزِلَ مِنْ قَبْلِكَ ۚ وَالْمُقِيمِينَ الصَّلَاةَ ۚ وَالْمُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَالْمُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ أُولَٰئِكَ سَنُؤْتِيهِمْ أَجْرًا عَظِيمًا
Datapuwa’t ang mga iba sa kanilang lipon na may matatag na karunungan, at ang mga sumasampalataya, ay nananalig sa ipinanaog sa iyo (o Muhammad) at sa ipinanaog (na kapahayagan) noong una pa sa iyo, at ang mga nag-aalay ng dasal nang mahinusay, at nagkakaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw, sila ang Aming bibigyan ng malaking gantimpala
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
