Surah An-Nisa Ayahs #14 Translated in Filipino
إِنَّ الَّذِينَ يَأْكُلُونَ أَمْوَالَ الْيَتَامَىٰ ظُلْمًا إِنَّمَا يَأْكُلُونَ فِي بُطُونِهِمْ نَارًا ۖ وَسَيَصْلَوْنَ سَعِيرًا
Ang mga umaangkin ng mga ari- arian ng mga ulila ng walang katarungan ay kumakain ng apoy sa kanilang tiyan; hindi magtatagal, sila ay magbabata sa naglalagablab na Apoy
يُوصِيكُمُ اللَّهُ فِي أَوْلَادِكُمْ ۖ لِلذَّكَرِ مِثْلُ حَظِّ الْأُنْثَيَيْنِ ۚ فَإِنْ كُنَّ نِسَاءً فَوْقَ اثْنَتَيْنِ فَلَهُنَّ ثُلُثَا مَا تَرَكَ ۖ وَإِنْ كَانَتْ وَاحِدَةً فَلَهَا النِّصْفُ ۚ وَلِأَبَوَيْهِ لِكُلِّ وَاحِدٍ مِنْهُمَا السُّدُسُ مِمَّا تَرَكَ إِنْ كَانَ لَهُ وَلَدٌ ۚ فَإِنْ لَمْ يَكُنْ لَهُ وَلَدٌ وَوَرِثَهُ أَبَوَاهُ فَلِأُمِّهِ الثُّلُثُ ۚ فَإِنْ كَانَ لَهُ إِخْوَةٌ فَلِأُمِّهِ السُّدُسُ ۚ مِنْ بَعْدِ وَصِيَّةٍ يُوصِي بِهَا أَوْ دَيْنٍ ۗ آبَاؤُكُمْ وَأَبْنَاؤُكُمْ لَا تَدْرُونَ أَيُّهُمْ أَقْرَبُ لَكُمْ نَفْعًا ۚ فَرِيضَةً مِنَ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمًا
Si Allah ay nag-uutos sa inyo tungkol (sa mamanahin) ng inyong mga anak: sa lalaki, ang kanyang bahagi ay katumbas ng sa dalawang babae; kung mga babae lamang ang anak, dalawa o higit pa, ang kanilang bahagi ay dalawang katlo (2/3) ng pamana; kung nag-iisa lamang, ang sa kanya (tanging babae) ay kalahati. Sa mga magulang, ay isang bahagi ng anim (1/6) sa bawat isa, kung ang namatay ay nakaiwan ng mga anak; at kung walang anak at ang mga magulang lamang ang (tanging) tagapagmana, ang ina ay may isang katlo (1/3); kung ang namatay ay nakaiwan ng mga kapatid na lalaki (o babae), ang ina ay may isang bahagi ng anim (1/6). (Ang pagbabaha-bahagi sa lahat ng ito) ay matapos na mabayaran ang pabuya na kanyang inihandog (sa kawanggawa) at mga pagkakautang. Hindi ninyo batid kung sino sa kanila, maging (sila man) ay inyong magulang at mga anak, ang pinakamalapit sa inyo sa kapakinabangan, kaya’t (ang natatakdaang paghahati-hati) ay ipinag-utos ni Allah. At si Allah ang Lalagi nang Ganap na Nakakaalam ng lahat, ang Tigib ng Karunungan
وَلَكُمْ نِصْفُ مَا تَرَكَ أَزْوَاجُكُمْ إِنْ لَمْ يَكُنْ لَهُنَّ وَلَدٌ ۚ فَإِنْ كَانَ لَهُنَّ وَلَدٌ فَلَكُمُ الرُّبُعُ مِمَّا تَرَكْنَ ۚ مِنْ بَعْدِ وَصِيَّةٍ يُوصِينَ بِهَا أَوْ دَيْنٍ ۚ وَلَهُنَّ الرُّبُعُ مِمَّا تَرَكْتُمْ إِنْ لَمْ يَكُنْ لَكُمْ وَلَدٌ ۚ فَإِنْ كَانَ لَكُمْ وَلَدٌ فَلَهُنَّ الثُّمُنُ مِمَّا تَرَكْتُمْ ۚ مِنْ بَعْدِ وَصِيَّةٍ تُوصُونَ بِهَا أَوْ دَيْنٍ ۗ وَإِنْ كَانَ رَجُلٌ يُورَثُ كَلَالَةً أَوِ امْرَأَةٌ وَلَهُ أَخٌ أَوْ أُخْتٌ فَلِكُلِّ وَاحِدٍ مِنْهُمَا السُّدُسُ ۚ فَإِنْ كَانُوا أَكْثَرَ مِنْ ذَٰلِكَ فَهُمْ شُرَكَاءُ فِي الثُّلُثِ ۚ مِنْ بَعْدِ وَصِيَّةٍ يُوصَىٰ بِهَا أَوْ دَيْنٍ غَيْرَ مُضَارٍّ ۚ وَصِيَّةً مِنَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَلِيمٌ
Sa mga naiwan ng inyong kabiyak na babae, ang inyong bahagi ay kalahati kung sila ay hindi nakaiwan ng anumang anak, datapuwa’t kung sila ay nakaiwan ng anak, kayo ay makakakuha ng isang kapat (1/4), matapos na mabayaran ang pabuya na inihandog (o kawanggawa) at mga pagkakautang. Sa anumang inyong naiwan; ang kanilang (kabiyak na babae) ay may bahagi ng isang kapat (1/4), kung kayo ay hindi nakaiwan ng anak; datapuwa’t kung kayo ay nakaiwan ng anak, sila ay makakakuha ng isang walo (1/8) matapos na mabayaran ang pabuya na inihandog (o kawanggawa) at lahat ng mga pagkakautang. Kung ang babae o lalaki na ang pamana ay pinagtatalunan (o pinag-uusapan) pa, ay hindi nakaiwan ng kamag-anak paitaas man at paibaba (ascendants and descendants), datapuwa’t nakaiwan ng isang kapatid na lalaki o babae, ang bawat isa sa dalawa ay makakakuha ng isang anim (1/6); datapuwa’t kung mahigit sa dalawa, sila ay maghahati sa isang katlo (1/3), matapos na mabayaran ang pabuya na inihandog (o kawanggawa) at lahat ng mga pagkakautang; upang walang anumang pagkalugi (pagkaagrabiyado) ang mangyari (sa sinuman). Ito ay isang pag-uutos mula kay Allah at si Allah ang Ganap na Nakakabatid, ang Mapagpaumanhin
تِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ ۚ وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ يُدْخِلْهُ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ وَذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ
Ito ang mga pag-uutos na itinakda ni Allah (tungkol sa mga pamana), at sinumang sumunod kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad) ay tatanggapin sa Hardin na sa ibaba nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso) upang manahan dito (magpakailanman), at ito ang pinakasukdol na tagumpay
وَمَنْ يَعْصِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيَتَعَدَّ حُدُودَهُ يُدْخِلْهُ نَارًا خَالِدًا فِيهَا وَلَهُ عَذَابٌ مُهِينٌ
Datapuwa’t ang sumusuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad) at nagmamalabis sa itinakda, siya ay Kanyang ihahagis sa Apoy upang manahan dito at sasakanya ang kaaba-abang kaparusahan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
