Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mumtahana Ayahs #4 Translated in Filipino

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا عَدُوِّي وَعَدُوَّكُمْ أَوْلِيَاءَ تُلْقُونَ إِلَيْهِمْ بِالْمَوَدَّةِ وَقَدْ كَفَرُوا بِمَا جَاءَكُمْ مِنَ الْحَقِّ يُخْرِجُونَ الرَّسُولَ وَإِيَّاكُمْ ۙ أَنْ تُؤْمِنُوا بِاللَّهِ رَبِّكُمْ إِنْ كُنْتُمْ خَرَجْتُمْ جِهَادًا فِي سَبِيلِي وَابْتِغَاءَ مَرْضَاتِي ۚ تُسِرُّونَ إِلَيْهِمْ بِالْمَوَدَّةِ وَأَنَا أَعْلَمُ بِمَا أَخْفَيْتُمْ وَمَا أَعْلَنْتُمْ ۚ وَمَنْ يَفْعَلْهُ مِنْكُمْ فَقَدْ ضَلَّ سَوَاءَ السَّبِيلِ
O kayong sumasampalataya! Huwag ninyong ituring ang Aking mga kaaway at inyong mga kaaway, (alalaong baga, mga hindi sumasampalataya at mapagsamba sa diyus- diyosan, atbp.), bilang mga kaibigan (o tagapagsanggalang) at nagpapakita kayo ng inyong pagkagiliw sa kanila, kahima’t sila ay nagsipagtakwil sa katotohanan na ipinadala sa inyo (Kaisahan ni Allah, ang Qur’an, at Propeta Muhammad). (Sa kabalintunaan), sila ay nagtaboy sa Tagapagbalita (Muhammad) at sa inyo (mula sa inyong mga tahanan), sapagkat kayo ay nananampalataya kay Allah na inyong Panginoon! Kung kayo ay naparito na nagsisikap na makamtan ang Aking daan at naghahanap ng Aking Mabuting Kasiyahan, (sila ay huwag ninyong tanggapin bilang inyong mga kaibigan). Kayo ay nakikipag-usap nang lihim sa kanila tungkol sa pag-ibig (at pakikipagkaibigan), samantalang Ako ang nakakabatid ng lahat ninyong ikinukubli at lahat ninyong ipinapahayag. At sinuman sa inyo (na mga Muslim) ang gumawa nito ay katotohanang napaligaw siya (ng malayo) sa tuwid na landas
إِنْ يَثْقَفُوكُمْ يَكُونُوا لَكُمْ أَعْدَاءً وَيَبْسُطُوا إِلَيْكُمْ أَيْدِيَهُمْ وَأَلْسِنَتَهُمْ بِالسُّوءِ وَوَدُّوا لَوْ تَكْفُرُونَ
Kung ibig nilang makuha ang mabubuti sa lipon ninyo ay kikilos sila bilanginyongkaaway.At iuunatnilaangkanilangmgakamay at kanilang mga dila ng laban sa inyo tungo sa kasamaan, at sila ay naghahangad na inyong itakwil ang katotohanan
لَنْ تَنْفَعَكُمْ أَرْحَامُكُمْ وَلَا أَوْلَادُكُمْ ۚ يَوْمَ الْقِيَامَةِ يَفْصِلُ بَيْنَكُمْ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
Sa Araw ng Paghuhukom, ang inyong mga kamag-anak at inyong mga anak ay walang magiging kapakinabangan sa inyo (laban kay Allah). Siya (Allah) ang hahatol sa pagitan ninyo sapagkat si Allah ay Lubos na Nakakamasid ng lahat ninyong ginagawa
قَدْ كَانَتْ لَكُمْ أُسْوَةٌ حَسَنَةٌ فِي إِبْرَاهِيمَ وَالَّذِينَ مَعَهُ إِذْ قَالُوا لِقَوْمِهِمْ إِنَّا بُرَآءُ مِنْكُمْ وَمِمَّا تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ كَفَرْنَا بِكُمْ وَبَدَا بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمُ الْعَدَاوَةُ وَالْبَغْضَاءُ أَبَدًا حَتَّىٰ تُؤْمِنُوا بِاللَّهِ وَحْدَهُ إِلَّا قَوْلَ إِبْرَاهِيمَ لِأَبِيهِ لَأَسْتَغْفِرَنَّ لَكَ وَمَا أَمْلِكُ لَكَ مِنَ اللَّهِ مِنْ شَيْءٍ ۖ رَبَّنَا عَلَيْكَ تَوَكَّلْنَا وَإِلَيْكَ أَنَبْنَا وَإِلَيْكَ الْمَصِيرُ
Katotohanang mayroon para sa inyo na mabuting halimbawa (upang inyong sundin ) ang makakamtan ninyo kay Abraham at sa kanyang mga kasama, nang sila ay mangusap sa kanilang mga tao: “Kami ay hindi kasangkot sa inyo at sa anupamang inyong sinasamba maliban pa kay Allah, kami ay nagtakwil sa inyo, at dito ay nag-ugat, sa pagitan namin at ninyo, ang lubusang pagkamuhi at pagkagalit, maliban na kayo ay manampalataya kay Allah at sa Kanya lamang”, maliban sa naging pangungusap ni Abraham sa kanyang ama: “Katotohanang aking ipagdarasal kayo tungo sa inyong kapatawaran (mula kay Allah), bagama’t wala akong kapangyarihan (na makakuha ng katiyakan ) para sa inyong kapakanan mula kay Allah. (Sila ay nagsipanalangin:) “Aming Panginoon! sa Inyo (lamang) kami nagtitiwala at sa Inyo (lamang) kami dumudulog sa pagsisisi, at sa Inyo (lamang) ang aming huling hantungan

Choose other languages: